1 Cronica
25 Karagdagan pa, ibinukod ni David at ng mga pinuno+ ng mga pangkat na naglilingkod+ para sa paglilingkod ang ilan sa mga anak ni Asap, sina Heman+ at Jedutun+ na mga nanghuhula na may mga alpa,+ may mga panugtog na de-kuwerdas+ at may mga simbalo.+ At sa kanilang bilang nanggaling ang mga lalaking nanunungkulan para sa kanilang paglilingkod. 2 Sa mga anak ni Asap, sina Zacur at Jose+ at Netanias at Asarela,+ ang mga anak ni Asap na nasa ilalim ng pangangasiwa ni Asap+ na nanghuhula sa ilalim ng pangangasiwa ng hari. 3 Kay Jedutun:+ ang mga anak ni Jedutun, sina Gedalias+ at Zeri+ at Jesaias,+ at Simei, Hasabias at Matitias,+ anim, sa ilalim ng pangangasiwa ng kanilang amang si Jedutun, na nanghuhula na may alpa para sa pasasalamat at pagpuri kay Jehova.+ 4 Kay Heman:+ ang mga anak ni Heman, si Bukias,+ si Matanias,+ si Uziel,+ sina Sebuel at Jerimot, si Hananias,+ si Hanani, si Eliata,+ sina Gidalti+ at Romamti-ezer,+ si Josbekasa,+ si Maloti,+ si Hotir,+ si Mahaziot. 5 Ang lahat ng ito ay mga anak ni Heman, isang tagapangitain+ ng hari sa mga bagay ng tunay na Diyos upang itaas ang kaniyang sungay; kaya binigyan ng tunay na Diyos si Heman ng labing-apat na anak na lalaki at tatlong anak na babae.+ 6 Ang lahat ng ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng kanilang ama sa pag-awit sa bahay ni Jehova, na may mga simbalo,+ mga panugtog na de-kuwerdas+ at mga alpa+ para sa paglilingkod sa bahay ng tunay na Diyos.
Ang nasa ilalim ng pangangasiwa ng hari ay sina Asap at Jedutun at Heman.+
7 At ang bilang nila na kasama ang kanilang mga kapatid na sinanay sa pag-awit kay Jehova,+ ang lahat ay mga bihasa,+ ay umabot sa dalawang daan at walumpu’t walo. 8 Kaya pinagpalabunutan+ nila ang mga bagay na aasikasuhin, ang maliit ay gaya rin ng malaki,+ ang bihasa+ kasama ng nag-aaral.
9 At ang palabunot ay lumabas: ang una ay kay Asap na para kay Jose,+ kay Gedalias+ ang ikalawa (siya at ang kaniyang mga kapatid at ang kaniyang mga anak ay labindalawa); 10 ang ikatlo ay kay Zacur,+ sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 11 ang ikaapat ay kay Izri,+ sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 12 ang ikalima ay kay Netanias,+ sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 13 ang ikaanim ay kay Bukias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 14 ang ikapito ay kay Jesarela,+ sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 15 ang ikawalo ay kay Jesaias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 16 ang ikasiyam ay kay Matanias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 17 ang ikasampu ay kay Simei, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 18 ang ikalabing-isa ay kay Azarel,+ sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 19 ang ikalabindalawa ay kay Hasabias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 20 sa ikalabintatlo, kay Subael,+ sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 21 sa ikalabing-apat, kay Matitias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 22 sa ikalabinlima, kay Jeremot, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 23 sa ikalabing-anim, kay Hananias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 24 sa ikalabimpito, kay Josbekasa, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 25 sa ikalabingwalo, kay Hanani, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 26 sa ikalabinsiyam, kay Maloti, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 27 sa ikadalawampu, kay Eliata, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 28 sa ikadalawampu’t isa, kay Hotir, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 29 sa ikadalawampu’t dalawa, kay Gidalti, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 30 sa ikadalawampu’t tatlo, kay Mahaziot,+ sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa; 31 sa ikadalawampu’t apat, kay Romamti-ezer,+ sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labindalawa.