Nehemias
1 Ang mga salita ni Nehemias+ na anak ni Hacalias: At nangyari nang buwan ng Kislev,+ noong ikadalawampung+ taon, na ako nga ay nasa kastilyo ng Susan.+ 2 Nang magkagayon si Hanani,+ na isa sa aking mga kapatid, ay pumasok, siya at ang iba pang mga lalaki mula sa Juda, at nagtanong+ ako sa kanila tungkol sa mga Judio,+ yaong mga nakatakas,+ na natira mula sa pagkabihag,+ at tungkol din sa Jerusalem. 3 At sinabi nila sa akin: “Yaong mga natira, na natira mula sa pagkabihag, doon sa nasasakupang distrito,+ ay nasa napakasamang kalagayan+ at kadustaan;+ at ang pader+ ng Jerusalem ay giba, at ang mismong mga pintuang-daan+ nito ay nasunog sa apoy.”
4 At nangyari, nang marinig ko ang mga salitang ito, ako ay umupo at nagsimulang tumangis at magdalamhati nang ilang araw, at patuluyan akong nag-ayuno+ at nanalangin sa harap ng Diyos ng langit.+ 5 At sinabi ko: “Ah, Jehova na Diyos ng langit, ang Diyos na dakila at kakila-kilabot,+ na nag-iingat ng tipan+ at ng maibiging-kabaitan doon sa mga umiibig sa kaniya+ at nag-iingat ng kaniyang mga utos,+ 6 pakisuyo, magbigay-pansin nawa ang iyong tainga+ at dumilat ang iyong mga mata, upang dinggin ang panalangin ng iyong lingkod,+ na idinadalangin ko sa harap mo ngayon, araw at gabi,+ may kinalaman sa mga anak ni Israel na iyong mga lingkod, samantalang nagtatapat+ may kinalaman sa mga kasalanan+ ng mga anak ni Israel na ipinagkasala namin laban sa iyo. Kami ay nagkasala, kapuwa ako at ang sambahayan ng aking ama.+ 7 Kami ay walang pagsalang gumawi nang may kalikuan laban sa iyo+ at hindi nag-ingat ng mga utos+ at ng mga tuntunin+ at ng mga hudisyal na pasiya+ na iniutos mo kay Moises na iyong lingkod.+
8 “Alalahanin mo,+ pakisuyo, ang salita na iniutos mo kay Moises na iyong lingkod, na nagsasabi, ‘Kung kayo, sa ganang inyo, ay gagawi nang di-tapat, pangangalatin ko naman kayo sa gitna ng mga bayan.+ 9 Kapag bumalik na kayo sa akin+ at tumupad ng aking mga utos+ at ginawa ang mga iyon,+ bagaman ang inyong nangalat na bayan ay mapasadulo ng langit, mula roon ay titipunin+ ko sila at tiyak na dadalhin ko sila+ sa dako na aking pinili upang doon patahanin ang aking pangalan.’+ 10 At sila ay iyong mga lingkod+ at iyong bayan,+ na tinubos mo sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan+ at sa pamamagitan ng iyong malakas na kamay.+ 11 Ah, Jehova, pakisuyo, magbigay-pansin nawa ang iyong tainga sa panalangin ng iyong lingkod at sa panalangin+ ng iyong mga lingkod na nalulugod na matakot sa iyong pangalan;+ at, pakisuyo, maggawad ka ng tagumpay sa iyong lingkod ngayon+ at pangyarihin mong kahabagan siya sa harap ng lalaking ito.”+
Ako noon ay katiwala ng kopa+ ng hari.