Nehemias
7 At nangyari, nang ang pader ay muling maitayo,+ kaagad kong inilagay ang mga pinto.+ Pagkatapos ay inatasan ang mga bantay ng pintuang-daan+ at ang mga mang-aawit+ at ang mga Levita.+ 2 At inatasan ko upang mamahala sa Jerusalem si Hanani+ na aking kapatid at si Hananias na prinsipe ng Kastilyo,+ sapagkat siya ay isa ngang mapagkakatiwalaang+ lalaki at natatakot+ sa tunay na Diyos nang higit kaysa sa marami pang iba. 3 Kaya sinabi ko sa kanila: “Huwag buksan ang mga pintuang-daan+ ng Jerusalem hanggang sa uminit ang araw; at habang nakatayo sila sa tabi ay isara nila ang mga pinto at itrangka ang mga iyon.+ At maglagay ng mga bantay mula sa mga tumatahan sa Jerusalem, ang bawat isa ay sa kaniyang sariling pinagbabantayan at ang bawat isa ay sa harap ng kaniyang sariling bahay.”+ 4 At ang lunsod ay maluwang at malaki, at kakaunti ang mga tao sa loob nito,+ at walang mga bahay na nakatayo.
5 Ngunit inilagay ng aking Diyos sa aking puso+ na tipunin ko ang mga taong mahal at ang mga kinatawang tagapamahala at ang bayan upang magpatala sila sa talaangkanan.+ Pagkatapos ay nasumpungan ko ang aklat ng talaangkanan+ niyaong mga umahon noong una, at nasumpungan kong nakasulat doon:
6 Ito ang mga anak ng nasasakupang distrito+ na umahon mula sa pagkabihag+ ng itinapong bayan na dinala ni Nabucodonosor+ na hari ng Babilonya sa pagkatapon+ at nang maglaon ay siyang bumalik sa Jerusalem at sa Juda, ang bawat isa ay sa kaniyang sariling lunsod;+ 7 yaong mga dumating na kasama ni Zerubabel,+ si Jesua,+ si Nehemias, si Azarias, si Raamias, si Nahamani, si Mardokeo,+ si Bilsan, si Misperet, si Bigvai, si Nehum, si Baanah.
Ang bilang ng mga lalaki ng bayan ng Israel: 8 Ang mga anak ni Paros,+ dalawang libo isang daan at pitumpu’t dalawa; 9 ang mga anak ni Sepatias,+ tatlong daan at pitumpu’t dalawa; 10 ang mga anak ni Arah,+ anim na raan at limampu’t dalawa; 11 ang mga anak ni Pahat-moab,+ mula sa mga anak ni Jesua at ni Joab,+ dalawang libo walong daan at labingwalo; 12 ang mga anak ni Elam,+ isang libo dalawang daan at limampu’t apat; 13 ang mga anak ni Zatu,+ walong daan at apatnapu’t lima; 14 ang mga anak ni Zacai,+ pitong daan at animnapu; 15 ang mga anak ni Binui,+ anim na raan at apatnapu’t walo; 16 ang mga anak ni Bebai,+ anim na raan at dalawampu’t walo; 17 ang mga anak ni Azgad,+ dalawang libo tatlong daan at dalawampu’t dalawa; 18 ang mga anak ni Adonikam,+ anim na raan at animnapu’t pito; 19 ang mga anak ni Bigvai,+ dalawang libo at animnapu’t pito; 20 ang mga anak ni Adin,+ anim na raan at limampu’t lima; 21 ang mga anak ni Ater,+ mula kay Hezekias, siyamnapu’t walo; 22 ang mga anak ni Hasum,+ tatlong daan at dalawampu’t walo; 23 ang mga anak ni Bezai,+ tatlong daan at dalawampu’t apat; 24 ang mga anak ni Harip,+ isang daan at labindalawa; 25 ang mga anak ni Gibeon,+ siyamnapu’t lima; 26 ang mga lalaki ng Betlehem+ at ng Netopa,+ isang daan at walumpu’t walo; 27 ang mga lalaki ng Anatot,+ isang daan at dalawampu’t walo; 28 ang mga lalaki ng Bet-azmavet,+ apatnapu’t dalawa; 29 ang mga lalaki ng Kiriat-jearim,+ ng Kepira+ at ng Beerot,+ pitong daan at apatnapu’t tatlo; 30 ang mga lalaki ng Rama+ at ng Geba,+ anim na raan at dalawampu’t isa; 31 ang mga lalaki ng Micmas,+ isang daan at dalawampu’t dalawa; 32 ang mga lalaki ng Bethel+ at ng Ai,+ isang daan at dalawampu’t tatlo; 33 ang mga lalaki ng isa pang Nebo,+ limampu’t dalawa; 34 ang mga anak ng isa pang Elam,+ isang libo dalawang daan at limampu’t apat; 35 ang mga anak ni Harim,+ tatlong daan at dalawampu; 36 ang mga anak ng Jerico,+ tatlong daan at apatnapu’t lima; 37 ang mga anak ng Lod,+ ng Hadid+ at ng Ono,+ pitong daan at dalawampu’t isa; 38 ang mga anak ng Senaa,+ tatlong libo siyam na raan at tatlumpu.
39 Ang mga saserdote: Ang mga anak ni Jedaias+ mula sa sambahayan ni Jesua, siyam na raan at pitumpu’t tatlo; 40 ang mga anak ni Imer,+ isang libo at limampu’t dalawa; 41 ang mga anak ni Pasur,+ isang libo dalawang daan at apatnapu’t pito; 42 ang mga anak ni Harim,+ isang libo at labimpito.
43 Ang mga Levita: Ang mga anak ni Jesua, mula kay Kadmiel,+ sa mga anak ni Hodeva,+ pitumpu’t apat. 44 Ang mga mang-aawit,+ ang mga anak ni Asap,+ isang daan at apatnapu’t walo. 45 Ang mga bantay ng pintuang-daan,+ ang mga anak ni Salum,+ ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon,+ ang mga anak ni Akub,+ ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai,+ isang daan at tatlumpu’t walo.
46 Ang mga Netineo:+ Ang mga anak ni Ziha, ang mga anak ni Hasupa, ang mga anak ni Tabaot,+ 47 ang mga anak ni Keros, ang mga anak ni Sia, ang mga anak ni Padon,+ 48 ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba,+ ang mga anak ni Salmai, 49 ang mga anak ni Hanan,+ ang mga anak ni Gidel, ang mga anak ni Gahar, 50 ang mga anak ni Reaias,+ ang mga anak ni Rezin,+ ang mga anak ni Nekoda, 51 ang mga anak ni Gazam, ang mga anak ni Uza, ang mga anak ni Pasea, 52 ang mga anak ni Besai,+ ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni Nepusesim,+ 53 ang mga anak ni Bakbuk, ang mga anak ni Hakupa, ang mga anak ni Harhur,+ 54 ang mga anak ni Bazlit, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa,+ 55 ang mga anak ni Barkos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Temah,+ 56 ang mga anak ni Nezias, ang mga anak ni Hatipa.+
57 Ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon:+ Ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Soperet, ang mga anak ni Perida,+ 58 ang mga anak ni Jaala, ang mga anak ni Darkon, ang mga anak ni Gidel,+ 59 ang mga anak ni Sepatias, ang mga anak ni Hatil, ang mga anak ni Pokeret-hazebaim, ang mga anak ni Amon.+ 60 Ang lahat ng Netineo+ at ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon ay tatlong daan at siyamnapu’t dalawa.
61 At ito ang mga umahon mula sa Tel-mela, Tel-harsa, Kerub, Adon at Imer,+ at hindi nila masabi ang sambahayan ng kanilang mga ama at ang kanilang pinanggalingan, kung sila ay mula sa Israel: 62 ang mga anak ni Delaias, ang mga anak ni Tobia, ang mga anak ni Nekoda,+ anim na raan at apatnapu’t dalawa. 63 At sa mga saserdote:+ ang mga anak ni Habaias, ang mga anak ni Hakoz,+ ang mga anak ni Barzilai,+ na kumuha ng asawa mula sa mga anak na babae ni Barzilai+ na Gileadita at tinawag ayon sa kanilang pangalan. 64 Ito ang mga naghanap ng kanilang pagkakarehistro, upang mapatunayan sa madla ang kanilang talaangkanan, at hindi iyon nasumpungan,+ kung kaya pinagbawalan sila bilang narumhan mula sa pagkasaserdote.+ 65 Dahil dito ay sinabi sa kanila ng Tirsata+ na hindi sila dapat kumain+ mula sa mga kabanal-banalang bagay hanggang sa ang saserdote na may Urim+ at Tumim+ ay tumayo.
66 Ang buong kongregasyon bilang isang pangkat ay apatnapu’t dalawang libo tatlong daan at animnapu,+ 67 bukod pa sa kanilang mga aliping lalaki+ at sa kanilang mga aliping babae, ang mga ito ay pitong libo tatlong daan at tatlumpu’t pito;+ at sila ay may dalawang daan at apatnapu’t limang lalaking+ mang-aawit at babaing+ mang-aawit. [68 Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlumpu’t anim, ang kanilang mga mula ay dalawang daan at apatnapu’t lima.]+ 69 Ang mga kamelyo ay apat na raan at tatlumpu’t lima. Ang mga asno+ ay anim na libo pitong daan at dalawampu.+
70 At may ilan sa mga ulo+ ng mga sambahayan sa panig ng ama+ na nagbigay para sa gawain.+ Ang Tirsata+ mismo ay nagbigay sa kabang-yaman ng isang libong gintong drakma, limampung mangkok, limang daan at tatlumpung mahahabang damit ng saserdote.+ 71 At may ilan sa mga ulo ng mga sambahayan sa panig ng ama na nagbigay sa kabang-yaman para sa gawain ng dalawampung libong gintong drakma at dalawang libo dalawang daang pilak na mina.+ 72 At ang ibinigay ng iba pa sa bayan ay dalawampung libong gintong drakma at dalawang libong pilak na mina at animnapu’t pitong mahahabang damit ng saserdote.
73 At ang mga saserdote+ at ang mga Levita at ang mga bantay ng pintuang-daan at ang mga mang-aawit+ at ang ilan sa bayan at ang mga Netineo+ at ang buong Israel ay nanahanan sa kanilang mga lunsod.+ Nang dumating ang ikapitong buwan,+ ang mga anak ni Israel ay naroon na sa kanilang mga lunsod.+