Job
13 “Narito! Ang lahat ng ito ay nakita ng aking mata,
Narinig ng aking tainga at pinag-iisipan iyon.
3 Gayunman, ako, sa ganang akin, ay magsasalita sa Makapangyarihan-sa-lahat,+
At sa pakikipagtalo sa Diyos ay malulugod ako.
4 Sa kabilang dako, kayo ang mga nandurungis ng kabulaanan;+
Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.+
6 Dinggin ninyo, pakisuyo, ang aking mga pangangatuwiran,+
At sa mga pakiusap ng aking mga labi ay magbigay-pansin.
7 Kayo ba ay magsasalita ng kalikuan para sa Diyos,
At para ba sa kaniya ay magsasalita kayo ng panlilinlang?+
8 Pakikitunguhan ba ninyo siya nang may pagtatangi,+
O ang tunay na Diyos ba ay ipakikipaglaban ninyo sa batas?
9 Mabuti ba na aarukin niya kayo?+
O kung paanong winawalang-halaga ng isa ang taong mortal ay gayon din ba ninyo siya wawalaing-halaga?
10 Tiyak na sasawayin niya kayo+
Kung sa lihim ay tatangkain ninyong magpakita ng pagtatangi;+
11 Hindi ba kayo gugulatin sa pagkatakot ng kaniya mismong dangal,
At sasapit sa inyo ang mismong panghihilakbot sa kaniya?+
12 Ang inyong mga di-malilimot na kasabihan ay mga kawikaang abo;
Ang mga umbok sa inyong mga kalasag ay gaya ng luwad+ na mga umbok sa kalasag.
13 Tumahimik kayo sa harap ko, upang ako ay makapagsalita.
Pagkatapos ay pasapitin sa akin anuman iyon!
14 Bakit ko dala-dala ang aking laman sa aking mga ngipin
At inilalagay ang aking sariling kaluluwa sa aking palad?+
15 Patayin man niya ako, hindi ba ako maghihintay?+
Makikipagtalo lamang ako sa kaniya nang mukhaan para sa aking sariling mga lakad.
18 Narito! Pakisuyo, ako ay nagharap ng isang usaping ukol sa paghatol;+
Alam na alam ko na ako ay nasa tama.
20 Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin;
Kung magkagayon ay hindi ako magkukubli dahil lamang sa iyo;+
21 Ilayo mo ang iyong kamay mula sa akin,
At ang pagkatakot sa iyo—huwag nawa akong sindakin nito.+
22 Alinman sa tumawag ka upang ako ay makasagot;
O makapagsalita sana ako, at magbalik ka sa akin ng sagot.
23 Sa anong paraan ako nagkaroon ng mga kamalian at mga kasalanan?
Ipaalam mo sa akin ang aking pagsalansang at ang aking kasalanan.
25 Panginginigin mo ba ang isang dahon lamang na nililipad-lipad,
O lagi mong hahabulin ang tuyong pinaggapasan?
26 Sapagkat lagi kang sumusulat laban sa akin ng mapapait na bagay+
At pinangyayari mong ariin ko ang mga bunga ng mga kamalian noong aking kabataan.+