Job
17 “Ang aking espiritu ay nalugmok,+ ang aking mga araw ay naubos;
Ang dakong libingan ay para sa akin.+
2 Tiyak na may panlilibak sa akin,+
At ang aking mata ay tumatahan sa gitna ng kanilang mapaghimagsik na paggawi.
5 Maaaring sabihin niya sa mga kasamahan na kunin ang kanilang mga bahagi,
Ngunit ang mismong mga mata ng kaniyang mga anak ay manlalabo.+
6 At ginawa niya akong isang kasabihan+ ng mga bayan,
Anupat ako ay naging isang taong dinuduraan sa mukha.+
7 At dahil sa kaligaligan ay lumalabo ang aking mata+
At ang lahat ng aking mga sangkap ay tulad ng anino.
8 Ang mga taong matuwid ay tumititig sa pagkamangha rito,
At maging ang walang-sala ay nababagabag dahil sa apostata.
9 Ang matuwid ay patuloy na nanghahawakang mahigpit sa kaniyang lakad,+
At ang may malilinis na kamay+ ay patuloy na nadaragdagan ng lakas.+
10 Gayunman, kayong lahat ay maaaring magpatuloy. Kaya halikayo, pakisuyo,
Yamang wala akong masumpungang marunong sa gitna ninyo.+
13 Kung patuloy akong maghihintay, ang Sheol ang aking bahay;+
Sa kadiliman+ ay kailangan kong ilatag ang aking higaan.