Job
19 At si Job ay sumagot at nagsabi:
2 “Hanggang kailan ninyo patuloy na iinisin ang aking kaluluwa+
At patuloy na sisiilin ako ng mga salita?+
3 Sa sampung ulit na ito ay sinaway ninyo ako;
Hindi kayo nahihiya na pinakikitunguhan ninyo ako nang napakahigpit.+
5 Kung tunay ngang lubha kayong nagpapalalo laban sa akin,+
At ipinakikita ninyong ang aking kadustaan ay wasto laban sa akin,+
6 Alamin nga ninyo na ang Diyos mismo ang nagligaw sa akin,
At kinulong niya ako ng kaniyang pangasong lambat.+
7 Narito! Patuloy akong sumisigaw, ‘Karahasan!’ ngunit walang sumasagot sa akin;+
Patuloy akong humihingi ng tulong, ngunit walang katarungan.+
8 Ang akin mismong landas ay hinarangan niya ng isang pader na bato,+ at hindi ako makalampas;
At sa aking mga daan ay naglalagay siya ng kadiliman.+
10 Ibinabagsak niya ako sa magkabi-kabila, at ako ay yumayaon;
At binubunot niya ang aking pag-asa tulad ng isang punungkahoy.
11 Ang kaniyang galit ay nag-iinit din laban sa akin,+
At patuloy niya akong ibinibilang na isang kalaban niya.
12 Ang kaniyang mga pulutong ay may-pagkakaisang dumarating at nagbubunton ng kanilang daan laban sa akin,+
At nagkakampo sila sa palibot ng aking tolda.
13 Ang aking sariling mga kapatid ay inilayo niya sa akin,+
At ang mismong mga nakakakilala sa akin ay umiwas pa man din sa akin.
15 Yaong mga naninirahan bilang mga dayuhan sa aking bahay;+ at ako ay ibinilang na ibang tao ng aking mga aliping babae;
Ako ay naging isang tunay na taga-ibang bayan sa kanilang paningin.
16 Sa aking lingkod ay tumawag ako, ngunit hindi siya sumasagot.
Sa pamamagitan ng aking bibig ay patuloy akong nagsusumamo sa kaniya na kahabagan ako.
17 Ang aking hininga ay naging karima-rimarim sa aking asawa,+
At ako ay naging mabaho sa mga anak ng tiyan ng aking ina.
18 Itinakwil din ako ng mga batang lalaki;+
Titindig lamang ako, at nagsisimula na silang magsalita ng laban sa akin.
19 Kinasusuklaman ako ng lahat ng mga taong nasa aking matalik na kapisanan,+
At yaong mga iniibig ko ay bumaling laban sa akin.+
20 Sa aking balat at sa aking laman ay nakadikit nga ang aking mga buto,+
At ako ay bahagya nang nakatakas na gabalat ng aking mga ngipin.
21 Pagpakitaan ninyo ako ng lingap, pagpakitaan ninyo ako ng lingap, O kayong mga kasamahan ko,+
Sapagkat ginalaw ako ng sariling kamay ng Diyos.+
22 Bakit ninyo ako patuloy na pinag-uusig na gaya ng Diyos,+
At hindi kayo nasisiyahan sa akin mismong laman?
23 O kung naisulat sana ngayon ang aking mga salita!
O kung naitala nga sana sa isang aklat ang mga iyon!
24 Sa pamamagitan ng panulat na bakal+ at ng tingga,
O kung ang mga iyon sana ay naiukit sa bato magpakailanman!
25 At alam na alam ko na ang aking manunubos+ ay buháy,
At na, kasunod ko, siya ay babangon+ sa alabok.
26 At pagkatapos ng aking balat, na kanilang tinuklap,—ito!
Gayunma’y kahit wala na akong laman ay mamamasdan ko ang Diyos,
27 Na siyang mamamasdan ko nga sa ganang akin,+
At siyang makikita nga ng akin mismong mga mata, ngunit hindi isang taga-ibang bayan.
Ang aking mga bato ay nanghina sa kaloob-looban ko.