Job
23 At si Job ay sumagot at nagsabi:
2 “Maging sa ngayon ang ikinababahala+ kong kalagayan ay paghihimagsik;
Ang aking kamay ay mabigat dahil sa aking pagbubuntunghininga.
3 O kung alam ko nga sana kung saan ko siya masusumpungan!+
Paroroon ako mismo sa kaniyang takdang dako.+
4 Ihaharap ko sa kaniya ang isang usaping ukol sa paghatol,
At ang aking bibig ay pupunuin ko ng mga pangangatuwiran;
5 Malalaman ko ang mga salita na isasagot niya sa akin,
At pag-iisipan ko ang sasabihin niya sa akin.+
6 Makikipaglaban ba siya sa akin taglay ang saganang kapangyarihan?
Hindi nga! Tiyak na siya ay magbibigay-pansin sa akin.+
7 Doon ay tiyak na makikipag-ayos sa kaniya ang matuwid,
At ako ay yayaon nang ligtas magpakailanman mula sa aking hukom.
8 Narito! Sa dakong silangan ako paroroon, at wala siya roon;
At bumalik ako, at hindi ko siya makilala;+
9 Sa kaliwa kung saan siya gumagawa, ngunit hindi ko siya mamasdan;
Pumipihit siya sa kanan, ngunit hindi ko siya makita.
10 Sapagkat alam na alam niya ang daan na aking tinatahak.+
Pagkatapos niya akong subukin, ako ay lalabas na parang ginto.+
11 Ang kaniyang mga hakbang ay maingat na sinundan ng aking paa;
Ang kaniyang daan ay iningatan ko, at hindi ako lumilihis.+
12 Mula sa utos ng kaniyang mga labi ay hindi ako humihiwalay.+
Pinakaingatan ko ang mga pananalita ng kaniyang bibig+ nang higit kaysa sa itinakda para sa akin.
13 At siya ay may iisang kaisipan, at sino ang makapipigil sa kaniya?+
At ang kaniyang kaluluwa ay may ninanasa, at gagawin niya iyon.+
14 Sapagkat lubusan niyang tutuparin ang itinakda para sa akin,+
At ang mga bagay na tulad nito ay marami sa kaniya.
15 Kaya naman nababagabag ako dahil sa kaniya;
Ako ay nagbibigay-pansin at nanghihilakbot sa kaniya.+
17 Sapagkat hindi ako napatahimik dahil sa kadiliman,
Ni dahil man sa natakpan ng karimlan ang aking mukha.