Job
3 Pagkatapos nito ay ibinuka ni Job ang kaniyang bibig at pinasimulang sumpain ang kaniyang araw.+ 2 Si Job ngayon ay sumagot at nagsabi:
3 “Maglaho nawa ang araw ng aking kapanganakan,+
Gayundin ang gabi noong may magsabi, ‘Isang matipunong lalaki ang ipinaglihi!’
4 Kung tungkol sa araw na iyon, maging kadiliman nawa iyon.
Huwag nawang hanapin iyon ng Diyos mula sa itaas,
Ni sikatan man iyon ng liwanag.
5 Bawiin nawa iyon ng kadiliman at ng matinding karimlan.
Mamalagi nawa sa ibabaw niyaon ang isang ulap-ulan.
Pangilabutin nawa iyon ng mga bagay na nagpapadilim sa isang araw.+
6 Ang gabing iyon—kunin nawa iyon ng karimlan;+
Huwag nawang matuwa iyon kasama ng mga araw ng isang taon;
Sa bilang ng mga buwang lunar ay huwag nawang pumasok iyon.
9 Magdilim nawa ang mga bituin ng takipsilim niyaon;
Maghintay nawa iyon ng liwanag at huwag magkaroon;
At huwag nawang makita niyaon ang mga silahis ng bukang-liwayway.
10 Sapagkat hindi niyaon isinara ang mga pinto ng tiyan+ ng aking ina,
At sa gayo’y ikinubli ang kabagabagan mula sa aking mga mata.
11 Bakit mula sa bahay-bata ay hindi pa ako namatay?+
Bakit hindi ako lumabas mula sa tiyan at pagkatapos ay pumanaw?
13 Sapagkat ngayon ay nakahiga na sana ako upang ako ay mapanatag;+
Natulog na sana ako noon; nagpapahinga na sana ako+
14 Kasama ng mga hari at ng mga tagapayo sa lupa,+
Yaong mga nagtatayo ng mga tiwangwang na dako para sa kanilang sarili,+
15 O ng mga prinsipe na may ginto,
Yaong mga pumupuno sa kanilang mga bahay ng pilak;
16 O, tulad ng sanggol na naagas+ sa lihim, hindi na sana ako umiral,
Tulad ng mga bata na hindi nakakita ng liwanag.+
17 Doon ay naglikat ang mga balakyot sa panliligalig,+
At doon ay nagpapahinga yaong mga nanghihimagod ang kalakasan.+
18 Ang mga bilanggo ay panatag na magkakasama;
Hindi nga nila naririnig ang tinig ng isa na sapilitang nagpapatrabaho sa kanila.+
19 Ang maliit at ang malaki ay kapuwa naroroon,+
At ang alipin ay napalalaya mula sa kaniyang panginoon.
20 Bakit siya nagbibigay ng liwanag sa isa na dumaranas ng kagipitan,
At ng buhay doon sa mga mapait ang kaluluwa?+
21 Bakit may mga naghihintay ng kamatayan, at hindi iyon dumarating,+
Bagaman patuloy nilang hinahalukay iyon nang higit kaysa sa mga nakatagong kayamanan?
22 Yaong mga nagsasaya sa pagkagalak,
Sila ay nagbubunyi sapagkat may nasumpungan silang dakong libingan.
23 [Bakit siya nagbibigay ng liwanag] sa matipunong lalaki, na ang lakad ay ikinubli,+
At siyang binabakuran ng Diyos?+
24 Sapagkat bago ang aking pagkain ay dumarating ang aking pagbubuntunghininga,+
At tulad ng tubig ay bumubuhos ang aking mga pag-ungol;+
25 Sapagkat isang nakapanghihilakbot na bagay ang pinanghihilakbutan ko, at iyon ay dumarating sa akin;
At ang kinatatakutan ko ay dumarating sa akin.+
26 Hindi ako naging malaya sa alalahanin, ni ako man ay napanatag,
Ni napapahinga man, gayunma’y dumarating ang kaligaligan.”