Awit
UNANG AKLAT
1 Maligaya+ ang taong hindi lumalakad sa payo ng mga balakyot,+
At sa daan ng mga makasalanan ay hindi tumatayo,+
At sa upuan ng mga manunuya ay hindi umuupo.+
2 Kundi ang kaniyang kaluguran ay sa kautusan ni Jehova,+
At sa kaniyang kautusan ay nagbabasa siya nang pabulong araw at gabi.+
3 At siya ay tiyak na magiging tulad ng isang punungkahoy na nakatanim sa tabi ng mga daloy ng tubig,+
Na nagbibigay ng sariling bunga nito sa kaniyang kapanahunan+
At ang mga dahon nito ay hindi nalalanta,+
At ang lahat ng kaniyang gawin ay magtatagumpay.+