Awit
3 Pinagagaling+ niya ang mga may pusong wasak,+
At tinatalian niya ang kanilang makikirot na bahagi.+
4 Tinutuos niya ang bilang ng mga bituin;+
Silang lahat ay tinatawag niya ayon sa kanilang mga pangalan.+
5 Ang ating Panginoon ay dakila at sagana sa kapangyarihan;+
Ang kaniyang unawa ay higit pa sa maisasalaysay.+
7 Tumugon kayo kay Jehova na may pasasalamat;+
Tumugtog kayo sa alpa para sa ating Diyos,+
8 Sa Isa na nagtatakip ng mga ulap sa langit,+
Sa Isa na naghahanda ng ulan para sa lupa,+
Sa Isa na nagpapasibol ng luntiang damo sa mga bundok.+
10 Hindi siya nalulugod sa kalakasan ng kabayo,+
Ni nakasusumpong man siya ng kaluguran sa mga binti ng tao.+
11 Si Jehova ay nakasusumpong ng kaluguran sa mga may takot sa kaniya,+
Sa mga naghihintay sa kaniyang maibiging-kabaitan.+
13 Sapagkat tinibayan niya ang mga halang ng iyong mga pintuang-daan;
Pinagpala niya ang iyong mga anak sa loob mo.+
16 Nagbibigay siya ng niyebeng tulad ng lana;+
Nagpapangalat siya ng nagyelong hamog na tulad ng abo.+
17 Inihahagis niya ang kaniyang yelo na tulad ng maliliit na putol.+
Sa harap ng kaniyang lamig ay sino ang makatatayo?+
18 Isinusugo niya ang kaniyang salita+ at tinutunaw niya ang mga iyon.
Pinahihihip niya ang kaniyang hangin;+
Ang tubig ay pumapatak.