Awit
Panalangin ni David.
17 Dinggin mo ang bagay na matuwid, O Jehova; bigyang-pansin mo ang aking pagsusumamo;+
Pakinggan mo ang aking panalangin na walang mga labing mapanlinlang.+
2 Mula nawa sa harap mo manggaling ang aking kahatulan;+
Masdan nawa ng iyong mga mata ang katuwiran.+
3 Sinuri mo ang aking puso, nagsiyasat ka sa gabi,+
Dinalisay mo ako; matutuklasan mong hindi ako nagpakana+ ng anuman.
Ang aking bibig ay hindi sasalansang.+
4 Kung tungkol sa mga gawain ng mga tao,
Sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi ay nag-ingat ako laban sa mga landas ng magnanakaw.+
5 Manatili nawa ang aking mga hakbang sa iyong mga landas,+
Na doon ay tiyak na hindi makikilos ang aking mga yapak.+
6 Ako mismo ay tumatawag sa iyo, sapagkat sasagutin mo ako, O Diyos.+
Ikiling mo sa akin ang iyong pandinig. Dinggin mo ang aking pananalita.+
7 Gawin mong kamangha-mangha ang iyong mga gawa ng maibiging-kabaitan,+ O Tagapagligtas niyaong mga nanganganlong
Mula sa mga naghihimagsik laban sa iyong kanang kamay.+
8 Ingatan mo akong gaya ng balintataw ng mata,+
Ikubli mo nawa ako sa lilim ng iyong mga pakpak,+
9 Dahil sa balakyot na sumasamsam sa akin.
Ang mga kaaway ng aking kaluluwa ay laging pumapalibot sa akin.+
10 Binalutan nila ang kanilang sarili ng sarili nilang taba;+
Sa pamamagitan ng kanilang bibig ay nagsasalita silang may kapalaluan;+
11 Kung tungkol sa aming mga hakbang, ngayon ay pinalibutan nila kami;+
Itinititig nila ang kanilang mga mata upang magbuwal sa lupa.+
12 Ang kaniyang wangis ay tulad niyaong sa leon na nagnanasang manluray+
At tulad niyaong sa batang leon na nakaupo sa mga kubling dako.
13 Bumangon ka, O Jehova; harapin mo siya nang mukhaan;+
Payukurin mo siya; maglaan ka ng pagtakas para sa aking kaluluwa mula sa balakyot sa pamamagitan ng iyong tabak,+
14 Mula sa mga tao, sa pamamagitan ng iyong kamay, O Jehova,+
Mula sa mga tao ng sistemang+ ito ng mga bagay, na ang kanilang bahagi ay nasa buhay na ito,+
At ang kanilang tiyan ay pinupuno mo ng iyong nakukubling kayamanan,+
Na nasisiyahan sa mga anak+
At nag-iimpok ng kanilang mga natira para sa kanilang mga anak.+