Awit
Sa tagapangasiwa. Awitin ni David.
20 Sagutin ka nawa ni Jehova sa araw ng kabagabagan.+
Ipagsanggalang ka nawa ng pangalan ng Diyos ni Jacob.+
3 Alalahanin niya nawa ang lahat ng iyong mga handog na kaloob,+
At tanggapin niya nawa ang iyong handog na sinusunog bilang bagay na mataba.+ Selah.
4 Ibigay niya nawa sa iyo ang ayon sa iyong puso,+
At ang lahat nawa ng iyong panukala ay tuparin niya.+
5 Hihiyaw kami nang may kagalakan dahil sa iyong pagliligtas,+
At sa pangalan ng aming Diyos ay itataas namin ang aming mga watawat.+
Tuparin nawa ni Jehova ang lahat ng iyong mga kahilingan.+
6 Ngayon ay nalalaman ko na talagang inililigtas ni Jehova ang kaniyang pinahiran.+
Sinasagot niya siya mula sa kaniyang banal na langit+
Sa pamamagitan ng makapangyarihang mga gawa ng pagliligtas ng kaniyang kanang kamay.+
7 Sa ilan ay ang tungkol sa mga karo at sa iba ay ang tungkol sa mga kabayo,+
Ngunit, para sa amin, ang tungkol sa pangalan ni Jehova na aming Diyos ang aming babanggitin.+