Awit
Ni David.
27 Si Jehova ang aking liwanag+ at aking kaligtasan.+
Kanino ako matatakot?+
Si Jehova ang moog ng aking buhay.+
Kanino ako manghihilakbot?+
2 Nang ang mga manggagawa ng kasamaan ay lumapit laban sa akin upang lamunin ang aking laman,+
Silang mga kalaban ko at mga kaaway ko mismo,+
Sila ay natisod at nabuwal.+
3 Bagaman ang isang kampamento ay magtayo ng mga tolda laban sa akin,+
Ang aking puso ay hindi matatakot.+
Bagaman laban sa akin ay may bumangong digmaan,+
Magkagayunman ay magtitiwala ako.+
4 Isang bagay ang hinihiling ko kay Jehova+—
Ito ang hahanapin ko,+
Na ako ay makatahan sa bahay ni Jehova sa lahat ng mga araw ng aking buhay,+
Upang mamasdan ang kaigayahan ni Jehova+
At tumingin nang may pagpapahalaga sa kaniyang templo.+
5 Sapagkat itatago niya ako sa kaniyang kublihan sa araw ng kapahamakan;+
Ikukubli niya ako sa lihim na dako ng kaniyang tolda;+
Sa ibabaw ng isang bato ay ilalagay niya ako.+
6 At ang aking ulo nga ay magiging mataas kaysa sa aking mga kaaway sa buong palibot ko;+
At ako ay maghahain sa kaniyang tolda ng mga haing sigaw ng kagalakan;+
Ako ay aawit at aawit ng papuri kay Jehova.+
7 Dinggin mo, O Jehova, kapag tumatawag ako sa pamamagitan ng aking tinig,+
At pagpakitaan mo ako ng lingap at sagutin mo ako.+
8 May kinalaman sa iyo ay sinabi ng aking puso: “Hanapin ninyo ang aking mukha.”+
Ang iyong mukha, O Jehova, ang hahanapin ko.+
9 Huwag mong ikubli sa akin ang iyong mukha.+
Huwag mong itaboy ang iyong lingkod dahil sa galit.+
Maging saklolo ka sa akin.+
Huwag mo akong pabayaan at huwag mo akong iwan, O aking Diyos ng kaligtasan.+
11 Turuan mo ako, O Jehova, hinggil sa iyong daan,+
At akayin mo ako sa landas ng katuwiran dahil sa aking mga kagalit.
12 Huwag mo akong ibigay sa kaluluwa ng aking mga kalaban;+
Sapagkat laban sa akin ay bumangon ang mga bulaang saksi,+
At siya na nagpapasimula ng karahasan.+
13 Kung hindi ako nagkaroon ng pananampalataya sa pagkakita ng kabutihan ni Jehova sa lupain ng mga buháy+—!