Awit
Isang awitin. Awit ng pagpapasinaya ng bahay.+ Ni David.
30 Dadakilain kita, O Jehova, sapagkat hinango mo ako+
At hindi mo pinagsaya sa akin ang aking mga kaaway.+
2 O Jehova na aking Diyos, humingi ako sa iyo ng tulong, at pinagaling mo ako.+
3 O Jehova, hinango mo ang aking kaluluwa mula sa Sheol;+
Iningatan mo akong buháy, upang huwag akong bumaba sa hukay.+
4 Umawit kayo kay Jehova, O kayong mga matapat sa kaniya,+
Magpasalamat kayo sa kaniyang banal na pang-alaala;+
5 Sapagkat ang mapasailalim sa kaniyang galit ay sandali lamang,+
Ang mapasailalim sa kaniyang kabutihang-loob ay panghabang-buhay.+
Sa gabi ay maaaring manuluyan ang pagtangis,+ ngunit sa umaga ay may hiyaw ng kagalakan.+
7 O Jehova, sa iyong kabutihang-loob ay itinayo mo ang aking bundok nang may kalakasan.+
Ikinubli mo ang iyong mukha; ako ay naligalig.+
9 Ano ang pakinabang sa aking dugo kapag bumaba ako sa hukay?+
Pupurihin ka ba ng alabok?+ Isasaysay ba nito ang iyong katapatan?+
11 Pinalitan mo ng sayawan ang aking pagdadalamhati para sa akin;+
Kinalag mo ang aking telang-sako, at pinananatili mo akong nabibigkisan ng pagsasaya,+
12 Upang ang aking kaluwalhatian ay umawit sa iyo at hindi manatiling tahimik.+
O Jehova na aking Diyos, hanggang sa panahong walang takda ay pupurihin kita.+