Awit
Sa tagapangasiwa. Ng mga anak ni Kora.+ Maskil.
44 O Diyos, narinig namin ng aming pandinig,
Isinalaysay sa amin ng aming mga ninuno+
Ang gawang isinagawa mo noong kanilang mga araw,+
Noong mga araw ng sinaunang panahon.+
2 Sa pamamagitan ng iyong kamay ay pinalayas mo maging ang mga bansa,+
At sa halip ay sila ang itinatag mo.+
Winasak mo ang mga liping pambansa at itinaboy sila.+
3 Sapagkat hindi nila inari ang lupain sa pamamagitan ng sarili nilang tabak,+
At hindi ang sarili nilang bisig ang nagdala sa kanila ng kaligtasan.+
Kundi ang iyong kanang kamay at ang iyong bisig+ at ang liwanag ng iyong mukha,
Dahil kinalugdan mo sila.+
5 Sa pamamagitan mo ay itutulak namin ang aming mga kalaban;+
Sa iyong pangalan ay yuyurakan namin yaong mga tumitindig laban sa amin.+
7 Sapagkat iniligtas mo kami sa aming mga kalaban,+
At yaong mga masidhing napopoot sa amin ay inilagay mo sa kahihiyan.+
8 Sa Diyos ay maghahandog kami ng papuri buong araw,+
At hanggang sa panahong walang takda ay dadakilain namin ang iyong pangalan.+ Selah.
9 Ngunit ngayon ay itinatakwil mo at hinihiya kami,+
At hindi ka lumalabas na kasama ng aming mga hukbo.+
10 Pinauurong mo kaming lagi mula sa kalaban,+
At ang mismong mga masidhing napopoot sa amin ay nanamsam para sa kanilang sarili.+
11 Ibinibigay mo kaming tulad ng mga tupa, na pinakapagkain,+
At sa gitna ng mga bansa ay ipinangalat mo kami.+
12 Ipinagbibili mo ang iyong bayan na walang anumang kapalit na halaga,+
At hindi ka nagpayaman sa pamamagitan ng kanilang halaga.
13 Ginagawa mo kaming kadustaan sa aming mga kapitbahay,+
Isang kaalipustaan at kakutyaan sa mga nasa buong palibot namin.+
14 Ginagawa mo kaming isang kasabihan sa gitna ng mga bansa,+
Isang pag-iling ng ulo sa gitna ng mga liping pambansa.+
15 Buong araw ay nasa harap ko ang aking pagkaaba,
At ang kahihiyan ng aking mukha ay tumakip sa akin,+
16 Dahil sa tinig ng isa na nandurusta at nagsasalita nang may pang-aabuso,
Dahil sa kaaway at sa kaniya na naghihiganti.+
17 Ang lahat ng ito ang sumapit sa amin, at hindi ka namin nilimot,+
At hindi kami kumilos nang may kabulaanan sa iyong tipan.+
18 Ang aming puso ay hindi tumalikod sa kawalang-pananampalataya,+
Ni lumihis man ang aming mga yapak mula sa iyong landas.+
20 Kung nilimot namin ang pangalan ng aming Diyos,
O iniuunat namin ang aming mga palad sa kakaibang diyos,+
21 Hindi ba ito sisiyasatin ng Diyos?+
Sapagkat batid niya ang mga lihim ng puso.+
22 Ngunit dahil sa iyo ay pinapatay kami sa buong araw;
Ibinibilang kaming gaya ng mga tupang papatayin.+
23 Bumangon ka. Bakit patuloy ka pang natutulog, O Jehova?+
Gumising ka. Huwag kang magtakwil magpakailanman.+
24 Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha?
Bakit mo nililimot ang aming kapighatian at ang paniniil sa amin?+