Awit
Awitin ni Asap.+
50 Ang Makapangyarihan,+ ang Diyos, si Jehova,+ ang siyang nagsalita,+
At tinatawag niya ang lupa,+
Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.+
2 Mula sa Sion, ang kasakdalan ng kariktan,+ ay suminag ang Diyos.+
3 Ang ating Diyos ay darating at hindi makapananatiling tahimik.+
Sa harap niya ay may lumalamong apoy,+
At sa buong palibot niya ay naging lubhang mabagyo ang panahon.+
5 “Tipunin ninyo sa akin ang aking mga matapat,+
Yaong mga nagtitibay ng aking tipan sa pamamagitan ng hain.”+
7 “Makinig ka, O bayan ko, at ako ay magsasalita,+
O Israel, at magpapatotoo ako laban sa iyo.+
Ako ang Diyos, ang iyong Diyos.+
8 Hindi kita sinasaway may kinalaman sa iyong mga hain,+
Ni may kinalaman sa iyong mga buong handog na sinusunog na laging nasa harap ko.+
10 Sapagkat akin ang bawat mailap na hayop sa kagubatan,+
Ang mga hayop sa ibabaw ng isang libong bundok.+
11 Nakikilala kong lubos ang bawat may-pakpak na nilalang sa mga bundok,+
At ang makakapal na kawan ng mga hayop sa malawak na parang ay nasa akin.+
12 Kung ako ay gutóm, hindi ko sasabihin sa iyo;
Sapagkat ang mabungang lupain+ at ang kabuuan nito ay sa akin.+
13 Kakainin ko ba ang karne ng malalakas na toro,+
At iinumin ko ba ang dugo ng mga kambing na lalaki?+
14 Maghandog ka ng pasasalamat bilang iyong hain sa Diyos,+
At tuparin mo sa Kataas-taasan ang iyong mga panata;+
15 At tawagin mo ako sa araw ng kabagabagan.+
Ililigtas kita, at luluwalhatiin+ mo ako.”
16 Ngunit sa balakyot ay sasabihin ng Diyos:+
“Ano ang karapatan mo upang isa-isahin ang aking mga tuntunin,+
At upang taglayin mo sa iyong bibig ang aking tipan?+
17 Aba, ikaw—ikaw ay napopoot sa disiplina,+
At lagi mong iwinawaksi sa likuran mo ang aking mga salita.+
18 Kapag nakakita ka ng magnanakaw, nalulugod ka pa nga sa kaniya;+
At ang iyong pakikibahagi ay sa mga mangangalunya.+
19 Pinakakawalan mo ang iyong bibig sa kasamaan,+
At ang iyong dila ay lagi mong inilalakip sa panlilinlang.+
20 Ikaw ay umuupo at nagsasalita laban sa iyong sariling kapatid,+
Nagbubunyag ka ng pagkakamali laban sa anak ng iyong ina.+
21 Ang mga bagay na ito ay ginawa mo, at nanatili akong tahimik.+
Inakala mong ako ay tiyak na magiging gaya mo.+
Sasawayin kita,+ at itutuwid ko ang mga bagay-bagay sa harap ng iyong mga mata.+