Awit
Sa tagapangasiwa ng Mahalat.+ Maskil. Ni David.
53 Ang hangal ay nagsabi sa kaniyang puso:
“Walang Jehova.”+
Gumawi sila nang kapaha-pahamak at gumawi sila nang karima-rimarim sa kalikuan;+
Walang sinumang gumagawa ng mabuti.+
2 Kung tungkol sa Diyos, dinudungaw niya mula sa langit ang mga anak ng mga tao,+
Upang tingnan kung may sinumang may kaunawaan, sinumang humahanap kay Jehova.+
3 Silang lahat ay tumalikod, silang lahat ay pawang tiwali;+
Walang sinumang gumagawa ng mabuti,+
Wala ni isa man.
4 Wala bang sinuman sa mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit ang may kaalaman,+
Na lumalamon sa aking bayan gaya ng pagkain nila ng tinapay?+
Ni hindi sila tumatawag kay Jehova.+