Awit
Sa tagapangasiwa. “Huwag kang magpahamak.” Ni David. Miktam. Nang tumakas siya dahil kay Saul, patungo sa yungib.+
57 Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Diyos, pagpakitaan mo ako ng lingap,+
Sapagkat sa iyo nanganganlong ang aking kaluluwa;+
At sa lilim ng iyong mga pakpak ay nanganganlong ako hanggang sa makaraan ang mga kapighatian.+
2 Tumatawag ako sa Diyos na Kataas-taasan, sa tunay na Diyos na nagpapasapit sa mga ito sa kawakasan alang-alang sa akin.+
3 Magsusugo siya mula sa langit at ililigtas ako.+
Tiyak na guguluhin niya yaong nananakmal sa akin.+ Selah.
Isusugo ng Diyos ang kaniyang maibiging-kabaitan at ang kaniyang katapatan.+
4 Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon;+
Wala akong magawa kundi ang humiga sa gitna ng mga manlalamon, mga anak pa nga ng mga tao,
Na ang mga ngipin ay mga sibat at mga palaso,+
At ang kanilang dila ay tabak na matalas.+
5 O maging dakila ka nawa sa ibabaw ng langit, O Diyos;+
Mapasaibabaw nawa ng buong lupa ang iyong kaluwalhatian.+
6 Isang lambat ang inihanda nila para sa aking mga hakbang;+
Ang aking kaluluwa ay nayukod.+
Nagdukal sila ng patibong sa harap ko;
Nahulog sila sa gitna niyaon.+ Selah.
8 Gumising ka, O aking kaluwalhatian;+
Gumising ka, O panugtog na de-kuwerdas; ikaw rin, O alpa.+
Gigisingin ko ang bukang-liwayway.
9 Pupurihin kita sa gitna ng mga bayan, O Jehova;+
Aawit ako sa iyo sa gitna ng mga liping pambansa.+