Awit ni Solomon
1 Ang kagaling-galingang awit,+ na kay Solomon:+ 2 “Halikan niya nawa ako ng mga halik ng kaniyang bibig,+ sapagkat ang iyong mga kapahayagan ng pagmamahal ay mas mabuti kaysa sa alak.+ 3 Ang bango ng iyong mga langis+ ay mabuti. Gaya ng langis na ibinubuhos ang iyong pangalan.+ Kaya naman iniibig ka ng mga dalaga. 4 Isama mo ako sa iyo;+ tumakbo tayo. Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga loobang silid!+ Magalak tayo at magsaya sa iyo. Banggitin natin ang iyong mga kapahayagan ng pagmamahal nang higit kaysa sa alak.+ Marapat lamang na ibigin ka nila.+
5 “Babae akong maitim, ngunit kahali-halina, O kayong mga anak na babae ng Jerusalem,+ gaya ng mga tolda ng Kedar,+ gayunma’y gaya ng mga telang pantolda+ ni Solomon. 6 Huwag ninyo akong tingnan dahil ako ay may kaitiman, sapagkat nasilayan ako ng araw. Ang mga anak na lalaki ng aking ina ay nagalit sa akin; inatasan nila ako bilang tagapag-alaga ng mga ubasan, bagaman ang ubasan ko,+ ang sa akin, ay hindi ko inalagaan.
7 “Sabihin mo sa akin, O ikaw na iniibig+ ng aking kaluluwa, kung saan ka nagpapastol,+ kung saan mo pinahihiga ang kawan sa katanghaliang tapat. Bakit nga ba ako magiging gaya ng babaing nababalot sa pagdadalamhati sa gitna ng mga kawan ng iyong mga kasamahan?”
8 “Kung hindi mo alam sa ganang iyo, O ikaw na pinakamaganda sa mga babae,+ lumabas ka at sundan ang mga bakas ng mga paa ng kawan at pastulan mo ang mga anak ng iyong mga kambing sa tabi ng mga tabernakulo ng mga pastol.”
9 “Sa aking kabayong babae na nasa mga karo ni Paraon ay itinulad kita,+ O kaibigan kong babae.+ 10 Ang iyong mga pisngi ay magaganda sa siping ng mga tirintas ng buhok, ang iyong leeg sa kuwintas na mga abaloryo.+ 11 Gagawa kami ng pabilog na mga hiyas na ginto para sa iyo,+ na may kasamang pilak na mga buton.”
12 “Hangga’t ang hari ay nasa kaniyang mesang bilog ay ibibigay ng aking nardo+ ang bango nito.+ 13 Sa akin ay gaya ng isang supot ng mira+ ang mahal ko; sa pagitan ng aking mga suso+ ay magpapalipas siya ng gabi. 14 Sa akin ay gaya ng isang kumpol ng henna+ ang mahal ko, sa gitna ng mga ubasan ng En-gedi.”+
15 “Narito! Maganda ka, O kaibigan kong babae.+ Narito! Maganda ka. Ang iyong mga mata ay gaya niyaong sa mga kalapati.”+
16 “Narito! Maganda ka,+ mahal ko, kaiga-igaya rin. Ang ating kama+ rin ay yaong yari sa mga dahon. 17 Ang mga biga ng ating malaking bahay ay mga sedro,+ ang ating mga tahilan ay mga puno ng enebro.