Ezekiel
19 “At kung tungkol sa iyo, humiyaw ka ng isang panambitan+ may kinalaman sa mga pinuno ng Israel,+ 2 at sabihin mo, ‘Ano ba noon ang iyong ina? Isang babaing leon sa gitna ng mga leon.+ Humiga siyang kasama ng mga may-kilíng na batang leon. Inaruga niya ang kaniyang mga anak.
3 “ ‘At unti-unti niyang pinalaki ang isa sa kaniyang mga anak.+ Ito ay naging isang may-kilíng na batang leon, at ito ay nagsimulang matutong lumuray ng nasila.+ Lumamon nga ito ng makalupang tao. 4 At ang mga bansa ay patuloy na nakaririnig ng tungkol sa kaniya. Sa kanilang hukay ay nahuli siya, at dinala nila siya sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng mga pangawit.+
5 “ ‘Nang makita niyang siya ay naghintay at ang kaniyang pag-asa ay naglaho, kinuha nga niya ang isa pa sa kaniyang mga anak.+ Inilabas niya siya bilang isang may-kilíng na batang leon. 6 At nagsimula siyang gumala-gala sa gitna ng mga leon. Siya ay naging isang may-kilíng na batang leon. At nang maglaon ay natuto siyang lumuray ng nasila.+ Lumamon nga siya ng makalupang tao.+ 7 At nakilala niya ang kaniyang mga tirahang tore, at winasak niya ang kanilang mga lunsod,+ anupat ang lupain ay natiwangwang at pinunô niya iyon ng ingay ng kaniyang pag-ungal.+ 8 At ang mga bansa sa buong palibot mula sa mga nasasakupang distrito ay nagsimulang lumagay laban sa kaniya+ at nagladlad ng kanilang lambat sa ibabaw niya.+ Sa kanilang hukay ay nahuli siya.+ 9 Sa kalaunan ay inilagay nila siya sa kulungan sa pamamagitan ng mga pangawit at dinala siya sa hari ng Babilonya.+ Nadala nila siya sa pamamagitan ng mga pangasong lambat, upang ang kaniyang tinig ay hindi na marinig pa sa mga bundok ng Israel.+
10 “ ‘Ang iyong ina+ ay gaya ng isang punong ubas sa iyong dugo,+ na nakatanim sa tabi ng tubig. Siya ay naging tagapagluwal ng bunga at punô ng mga sanga dahil sa saganang tubig.+ 11 At para sa kaniya ay naging matitibay na tungkod sila, angkop na maging mga setro ng mga tagapamahala.+ At ang taas nito ay unti-unting nataas sa mga sanga, at ito ay nakita dahil sa kataasan nito, dahil sa dami ng mga dahon nito.+ 12 Ngunit sa kalaunan ay binunot siya dahil sa pagkapoot.+ Inihagis siya sa lupa, at isang hanging silangan ang tumuyo sa kaniyang bunga.+ Ang kaniyang matibay na tungkod ay pinutol at natuyo.+ Apoy ang lumamon nito.+ 13 At ngayon ay nakatanim siya sa ilang,+ sa isang lupaing walang tubig at uháw.+ 14 At may apoy na lumabas mula sa kaniyang tungkod.+ Nilamon nito ang kaniya mismong mga supang, ang kaniya mismong bunga, at nawalan siya ng matibay na tungkod, walang setro para sa pamamahala.+
“ ‘Iyan ay isang panambitan, at iyon ay magiging isang panambitan.’ ”+