Oseas
12 “Ang Efraim ay kumakain ng hangin+ at humahabol sa hanging silangan sa buong araw.+ Pagsisinungaling at pananamsam ang pinararami niya.+ At nakikipagtipan sila sa Asirya,+ at ang Ehipto ay dinadalhan ng langis.
2 “At si Jehova ay may usapin sa batas laban sa Juda,+ upang humingi ng pagsusulit laban sa Jacob ayon sa kaniyang mga lakad;+ ayon sa kaniyang mga pakikitungo ay gagantihan niya siya.+ 3 Habang nasa tiyan ay sinunggaban niya sa sakong ang kaniyang kapatid,+ at sa pamamagitan ng kaniyang dinamikong lakas ay nakipagpunyagi siya sa Diyos.+ 4 At patuloy siyang nakipagpunyagi sa isang anghel at nang maglaon ay nanaig.+ Tumangis siya, upang makapamanhik siya para sa kaniyang sarili.”+
Sa Bethel ay Kaniyang nasumpungan siya,+ at doon ay pinasimulan Niyang makipag-usap sa atin.+ 5 At Jehova na Diyos ng mga hukbo,+ Jehova ang kaniyang pinakaalaala.+
6 “At may kinalaman sa iyo, sa iyong Diyos ay dapat kang manumbalik,+ na nag-iingat ng maibiging-kabaitan+ at katarungan;+ at umasa nawang palagi sa iyong Diyos.+ 7 Kung tungkol sa negosyante, nasa kaniyang kamay ang timbangang mapanlinlang;+ ang makapandaya ang ibig niya.+ 8 At ang Efraim ay laging nagsasabi, ‘Tunay ngang yumaman ako;+ nakasumpong ako ng mahahalagang bagay para sa aking sarili.+ Kung tungkol sa lahat ng aking pagpapagal, sa akin ay wala silang masusumpungang kamalian na kasalanan.’+
9 “Ngunit ako ay si Jehova na iyong Diyos mula sa lupain ng Ehipto.+ Patatahanin pa kita sa mga tolda gaya noong mga araw ng isang takdang panahon. 10 At nagsalita ako sa mga propeta,+ at pinarami ko ang mga pangitain, at sa pamamagitan ng kamay ng mga propeta ay patuloy akong gumagawa ng mga paghahalintulad.+
11 “Sa Gilead ay nangyari ang bagay na mahiwaga,+ gayundin ang kabulaanan.+ Sa Gilgal ay naghain sila ng mga toro.+ Bukod diyan, ang kanilang mga altar ay parang mga bunton ng mga bato sa mga tudling ng malawak na parang.+ 12 At si Jacob ay tumakas patungo sa parang ng Sirya,+ at si Israel+ ay patuloy na naglingkod ukol sa isang asawa,+ at ukol sa isang asawa ay nagbantay siya ng mga tupa.+ 13 At sa pamamagitan ng isang propeta ay iniahon ni Jehova ang Israel mula sa Ehipto,+ at sa pamamagitan ng isang propeta ay binantayan siya.+ 14 Ang Efraim ay pumukaw ng galit hanggang sa kapaitan,+ at ang kaniyang mga pagbububo ng dugo ay iniiwan niya sa kaniyang sarili,+ at ang kaniyang pandurusta ay igaganti sa kaniya ng kaniyang Dakilang Panginoon.”+