Galacia
6 Mga kapatid, bagaman ang isang tao ay makagawa ng anumang maling hakbang+ bago niya mabatid ito, kayong may mga espirituwal+ na kuwalipikasyon ay magsikap na ibalik sa ayos ang gayong tao sa espiritu ng kahinahunan,+ habang minamataan ng bawat isa ang kaniyang sarili,+ dahil baka matukso rin kayo.+ 2 Patuloy ninyong dalhin ang mga pasanin+ ng isa’t isa, at sa gayon ay tuparin ninyo ang kautusan ng Kristo.+ 3 Sapagkat kung iniisip ng sinuman na siya ay mahalaga samantalang siya ay walang anuman,+ nililinlang niya ang kaniyang sariling isipan. 4 Kundi patunayan ng bawat isa kung ano ang kaniyang sariling gawa,+ at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng dahilan na magbunyi may kinalaman sa kaniyang sarili lamang, at hindi kung ihahambing+ sa ibang tao. 5 Sapagkat ang bawat isa ay magdadala ng kaniyang sariling pasan.+
6 Bukod diyan, ang sinumang bibigang+ tinuturuan ng salita ay magbahagi+ ng lahat ng mabubuting bagay sa isa na nagbibigay ng gayong bibigang pagtuturo.+
7 Huwag kayong palíligaw:+ Ang Diyos ay hindi isa na malilibak.+ Sapagkat anuman ang inihahasik ng isang tao, ito rin ang kaniyang aanihin;+ 8 sapagkat siyang naghahasik may kinalaman sa kaniyang laman ay mag-aani ng kasiraan mula sa kaniyang laman,+ ngunit siyang naghahasik may kinalaman sa espiritu+ ay mag-aani ng buhay na walang hanggan mula sa espiritu.+ 9 Kaya huwag tayong manghihimagod sa paggawa ng kung ano ang mainam,+ sapagkat sa takdang kapanahunan ay mag-aani tayo kung hindi tayo manghihimagod.+ 10 Kung gayon nga, habang tayo ay may panahong kaayaaya para rito,+ gumawa tayo ng mabuti sa lahat, ngunit lalo na roon sa mga may kaugnayan sa atin sa pananampalataya.+
11 Tingnan ninyo kung gaano kalalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo ng aking sariling kamay.+
12 Lahat niyaong mga nagnanais na magpakita ng kalugud-lugod na kaanyuan sa laman ang siyang mga pumipilit sa inyo na magpatuli,+ upang huwag lamang silang pag-usigin dahil sa pahirapang tulos ng Kristo,+ si Jesus. 13 Sapagkat kahit yaong mga nagpapatuli mismo ay hindi tumutupad sa Kautusan,+ kundi nais nila kayong maging tuli upang magkaroon sila ng dahilan ukol sa paghahambog sa inyong laman. 14 Huwag nawang mangyari na ako ay maghambog, malibang sa pahirapang tulos+ ng ating Panginoong Jesu-Kristo, na sa pamamagitan niya ang sanlibutan ay naibayubay sa akin+ at ako naman sa sanlibutan. 15 Sapagkat walang anuman ang pagtutuli ni ang di-pagtutuli,+ kundi ang bagong paglalang.+ 16 At sa lahat niyaong mga lalakad nang maayos ayon sa alituntuning ito ng paggawi, sumakanila nawa ang kapayapaan at awa, maging sa Israel ng Diyos.+
17 Mula ngayon ay huwag na akong guluhin ng sinuman, sapagkat dala ko sa aking katawan ang mga herong tanda+ ng isang alipin ni Jesus.+
18 Ang di-sana-nararapat na kabaitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo ay sumaespiritu+ nawa na inyong ipinakikita, mga kapatid. Amen.