Efeso
3 Dahil dito ako, si Pablo, ang bilanggo+ ni Kristo Jesus alang-alang sa inyo, na mga tao ng mga bansa+— 2 kung tunay ngang narinig ninyo ang tungkol sa pagiging katiwala+ ng di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos na ibinigay sa akin ukol sa inyo, 3 na sa pamamagitan ng pagsisiwalat ay ipinaalam sa akin ang sagradong lihim,+ gaya ng isinulat ko sa maikli noong una. 4 Batay rito, kapag binasa ninyo ito, matatanto ninyo ang taglay kong pagkaunawa+ sa sagradong lihim+ ng Kristo. 5 Sa ibang mga salinlahi ang lihim+ na ito ay hindi ipinaalam sa mga anak ng mga tao gaya ng isiniwalat+ na ngayon sa kaniyang banal na mga apostol at mga propeta+ sa pamamagitan ng espiritu, 6 samakatuwid nga, na ang mga tao ng mga bansa ay magiging mga kasamang tagapagmana at mga kasangkap ng katawan+ at mga kabahagi natin sa pangako+ kaisa ni Kristo Jesus sa pamamagitan ng mabuting balita. 7 Ako ay naging isang ministro+ nito ayon sa walang-bayad na kaloob ng di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos na ibinigay sa akin ayon sa paraan ng pagkilos ng kaniyang kapangyarihan.+
8 Sa akin, isang tao na mas mababa kaysa sa pinakamababa+ sa lahat ng mga banal, ay ibinigay ang di-sana-nararapat na kabaitang+ ito, upang maipahayag ko sa mga bansa+ ang mabuting balita tungkol sa di-maarok na kayamanan+ ng Kristo 9 at maipakita sa mga tao kung paanong pinangangasiwaan+ ang sagradong lihim+ na mula noong nakalipas na panahong walang takda ay nakatago sa Diyos, na lumalang ng lahat ng mga bagay.+ 10 Upang ngayon sa pamamagitan ng kongregasyon+ ay maipaalam sa mga pamahalaan at sa mga awtoridad+ sa makalangit na mga dako ang malawak na pagkakasari-sari ng karunungan ng Diyos,+ 11 ayon sa walang-hanggang layunin na kaniyang binuo may kaugnayan sa Kristo,+ si Jesus na ating Panginoon, 12 na sa pamamagitan niya ay mayroon tayo nitong kalayaan sa pagsasalita at paglapit+ taglay ang pagtitiwala sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa kaniya. 13 Kaya nga hinihiling ko sa inyo na huwag manghimagod dahil sa mga kapighatian+ kong ito alang-alang sa inyo, sapagkat ang mga ito ay nangangahulugan ng kaluwalhatian para sa inyo.
14 Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod+ sa Ama,+ 15 na siyang pinagkakautangan ng pangalan+ ng bawat pamilya+ sa langit at sa lupa, 16 upang maipagkaloob niya sa inyo ayon sa kayamanan+ ng kaniyang kaluwalhatian na mapalakas ang pagkatao ninyo sa loob+ na may kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang espiritu,+ 17 upang sa pamamagitan ng inyong pananampalataya ay patahanin ang Kristo sa inyong mga puso na may pag-ibig;+ upang kayo ay mag-ugat+ at maitayo sa pundasyon,+ 18 upang lubos na maintindihan+ ninyo kasama ng lahat ng mga banal kung ano ang lapad at haba at taas at lalim,+ 19 at upang makilala ang pag-ibig ng Kristo+ na nakahihigit sa kaalaman, upang mapuspos kayo ng buong kalubusan+ na ibinibigay ng Diyos.
20 Ngayon sa isa na makagagawa ng ibayo pang higit sa lahat ng mga bagay na ating mahihingi o maiisip,+ ayon sa kaniyang kapangyarihan na kumikilos+ sa atin, 21 sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng kongregasyon at sa pamamagitan ni Kristo Jesus sa lahat ng mga salinlahi magpakailan-kailanman.+ Amen.