Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 17
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

Deuteronomio 17:1

Marginal Reference

  • +Lev 22:20; Deu 15:21; Mal 1:8

Deuteronomio 17:2

Marginal Reference

  • +Deu 4:23; 13:6; Huk 2:20

Deuteronomio 17:3

Marginal Reference

  • +Deu 4:19; Jer 8:2; Eze 8:16
  • +Jer 7:18; 19:5

Deuteronomio 17:4

Marginal Reference

  • +Deu 13:14; Ju 7:51

Deuteronomio 17:5

Marginal Reference

  • +Deu 13:10

Deuteronomio 17:6

Marginal Reference

  • +Bil 35:30; Mat 18:16; Ju 8:17; 2Co 13:1; 1Ti 5:19; Heb 10:28
  • +Deu 19:15

Deuteronomio 17:7

Marginal Reference

  • +Deu 13:9
  • +Deu 13:5; 1Co 5:13

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 730

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 577, 1388

    “Lahat ng Kasulatan,” p. 213

Deuteronomio 17:8

Marginal Reference

  • +Deu 1:17
  • +Bil 35:11
  • +1Ha 3:28; Isa 1:17; Jer 5:28
  • +1Ha 3:16
  • +Deu 12:5; Aw 122:2, 5

Deuteronomio 17:9

Marginal Reference

  • +Deu 19:17; 21:5; Hag 2:11; Mal 2:7
  • +1Sa 7:16
  • +Deu 19:17; 21:5

Deuteronomio 17:11

Marginal Reference

  • +Mal 2:7
  • +Deu 5:32; 12:32; Jos 1:7; Kaw 4:27

Deuteronomio 17:12

Marginal Reference

  • +Aw 19:13; Kaw 11:2; Os 4:4
  • +Heb 10:28
  • +Deu 13:5; 1Co 5:13

Deuteronomio 17:13

Marginal Reference

  • +Bil 15:31; Deu 13:11; 19:20

Deuteronomio 17:14

Marginal Reference

  • +Deu 7:1; Jos 1:3; Aw 44:2
  • +1Sa 8:5, 20; 10:19

Deuteronomio 17:15

Marginal Reference

  • +1Sa 9:17; 10:24; 16:12

Deuteronomio 17:16

Marginal Reference

  • +Deu 20:1; 2Sa 8:4; Aw 20:7; Kaw 21:31
  • +Isa 31:1; 36:9; Eze 17:15

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 1, p. 1455

Deuteronomio 17:17

Marginal Reference

  • +1Ha 11:3; Ne 13:26
  • +Job 31:24; Aw 62:10; 1Ti 6:9

Deuteronomio 17:18

Marginal Reference

  • +Deu 31:9, 26; 2Ha 22:8

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Ang Bantayan,

    3/15/2007, p. 20

    5/1/1995, p. 12-13

    “Lahat ng Kasulatan,” p. 36

Deuteronomio 17:19

Marginal Reference

  • +2Cr 34:18
  • +Deu 11:18; Aw 1:2; 119:97

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 567

    Ang Bantayan,

    6/15/2002, p. 12-17

    10/1/2000, p. 8-9

    5/1/1995, p. 12-13

Deuteronomio 17:20

Marginal Reference

  • +1Sa 15:17; 2Cr 32:25; Aw 131:1; Mar 10:42; 1Pe 5:5
  • +Deu 5:32; 1Sa 13:13; 1Ha 15:5
  • +Kaw 10:27

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Ang Bantayan,

    5/1/1995, p. 12-13

Ibang Salin

I-click ang numero ng talata para makita ang ibang salin.

Iba Pa

Deut. 17:1Lev 22:20; Deu 15:21; Mal 1:8
Deut. 17:2Deu 4:23; 13:6; Huk 2:20
Deut. 17:3Deu 4:19; Jer 8:2; Eze 8:16
Deut. 17:3Jer 7:18; 19:5
Deut. 17:4Deu 13:14; Ju 7:51
Deut. 17:5Deu 13:10
Deut. 17:6Bil 35:30; Mat 18:16; Ju 8:17; 2Co 13:1; 1Ti 5:19; Heb 10:28
Deut. 17:6Deu 19:15
Deut. 17:7Deu 13:9
Deut. 17:7Deu 13:5; 1Co 5:13
Deut. 17:8Deu 1:17
Deut. 17:8Bil 35:11
Deut. 17:81Ha 3:28; Isa 1:17; Jer 5:28
Deut. 17:81Ha 3:16
Deut. 17:8Deu 12:5; Aw 122:2, 5
Deut. 17:9Deu 19:17; 21:5; Hag 2:11; Mal 2:7
Deut. 17:91Sa 7:16
Deut. 17:9Deu 19:17; 21:5
Deut. 17:11Mal 2:7
Deut. 17:11Deu 5:32; 12:32; Jos 1:7; Kaw 4:27
Deut. 17:12Aw 19:13; Kaw 11:2; Os 4:4
Deut. 17:12Heb 10:28
Deut. 17:12Deu 13:5; 1Co 5:13
Deut. 17:13Bil 15:31; Deu 13:11; 19:20
Deut. 17:14Deu 7:1; Jos 1:3; Aw 44:2
Deut. 17:141Sa 8:5, 20; 10:19
Deut. 17:151Sa 9:17; 10:24; 16:12
Deut. 17:16Deu 20:1; 2Sa 8:4; Aw 20:7; Kaw 21:31
Deut. 17:16Isa 31:1; 36:9; Eze 17:15
Deut. 17:171Ha 11:3; Ne 13:26
Deut. 17:17Job 31:24; Aw 62:10; 1Ti 6:9
Deut. 17:18Deu 31:9, 26; 2Ha 22:8
Deut. 17:192Cr 34:18
Deut. 17:19Deu 11:18; Aw 1:2; 119:97
Deut. 17:201Sa 15:17; 2Cr 32:25; Aw 131:1; Mar 10:42; 1Pe 5:5
Deut. 17:20Deu 5:32; 1Sa 13:13; 1Ha 15:5
Deut. 17:20Kaw 10:27
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
  • Basahin sa Bibliya Para sa Pag-aaral (nwtsty)
  • Basahin sa Bagong Sanlibutang Salin (nwt)
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • 11
  • 12
  • 13
  • 14
  • 15
  • 16
  • 17
  • 18
  • 19
  • 20
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Deuteronomio 17:1-20

Deuteronomio

17 “Huwag kang maghahain kay Jehova na iyong Diyos ng isang toro o isang tupa na may kapintasan, anumang masama; sapagkat iyon ay isang bagay na karima-rimarim kay Jehova na iyong Diyos.+

2 “Kung masumpungan sa gitna mo sa isa sa iyong mga lunsod na ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos ang isang lalaki o isang babae na nagsasagawa ng masama sa paningin ni Jehova na iyong Diyos anupat nilalabag ang kaniyang tipan,+ 3 at humayo siya at sumamba sa ibang mga diyos at yumukod sa mga iyon o sa araw o sa buwan o sa buong hukbo ng langit,+ isang bagay na hindi ko iniutos,+ 4 at nasabi ito sa iyo at narinig mo ito at nagsiyasat ka nang lubusan, at, narito! ang bagay na ito ay natatag bilang katotohanan,+ ang karima-rimarim na bagay na ito ay ginawa sa Israel! 5 ilalabas mo nga ang lalaking iyon o ang babaing iyon na gumawa ng masamang bagay na ito sa iyong mga pintuang-daan, oo, ang lalaki o ang babae, at babatuhin mo ng mga bato ang gayong tao, at ang gayong tao ay dapat mamatay.+ 6 Sa bibig ng dalawang saksi o ng tatlong saksi+ ay dapat patayin yaong mamamatay. Hindi siya papatayin sa bibig ng iisang saksi.+ 7 Ang kamay ng mga saksi ang mangunguna laban sa kaniya upang patayin siya, at pagkatapos ay ang kamay ng buong bayan;+ at aalisin mo ang kasamaan sa gitna mo.+

8 “Kung ang isang bagay ukol sa hudisyal na pasiya ay maging lubhang pambihira para sa iyo,+ isa na may kinalaman sa dugong nabubo,+ na may pag-aangkin sa batas na ibinangon,+ o isang marahas na gawa ang isinagawa, mga bagay na pinagtatalunan,+ sa loob ng iyong mga pintuang-daan, tumindig ka nga at umahon sa dakong pipiliin ni Jehova na iyong Diyos,+ 9 at pumaroon ka sa mga saserdote,+ na mga Levita, at sa hukom+ na naglilingkod sa mga araw na iyon, at sumangguni ka, at ibibigay nila sa iyo ang salita ng hudisyal na pasiya.+ 10 Kung magkagayon ay gawin mo ang ayon sa salita na ibibigay nila sa iyo mula sa dakong iyon na pipiliin ni Jehova; at maingat mong isagawa ang ayon sa lahat ng ituturo nila sa iyo. 11 Gawin mo ang ayon sa kautusan na itatagubilin nila sa iyo, at ang ayon sa hudisyal na pasiya na sasabihin nila sa iyo.+ Huwag kang lumihis mula sa salita na ibibigay nila sa iyo, sa kanan o sa kaliwa.+ 12 At ang taong gagawi nang may kapangahasan na hindi makikinig sa saserdote na nakatayo upang maglingkod doon kay Jehova na iyong Diyos o sa hukom,+ ang taong iyon ay dapat mamatay;+ at aalisin mo ang kasamaan sa Israel.+ 13 At maririnig ng buong bayan at matatakot,+ at hindi na sila kikilos pa nang may kapangahasan.

14 “Kapag sa dakong huli ay nakarating ka sa lupain na ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos, at nagawa mo nang ariin iyon at nanahanan ka na roon,+ at sinabi mo, ‘Magtatalaga ako ng isang hari sa akin gaya ng lahat ng mga bansa na nasa palibot ko’;+ 15 dapat mong italaga sa iyo nang walang pagsala ang isang hari na pipiliin ni Jehova na iyong Diyos.+ Mula sa iyong mga kapatid ay dapat kang magtalaga ng isang hari sa iyo. Hindi ka pahihintulutang maglagay sa iyo ng isang banyaga na hindi mo kapatid. 16 Huwag lamang siyang magpaparami ng mga kabayo para sa kaniyang sarili,+ ni pababalikin man niya sa Ehipto ang bayan upang magparami ng mga kabayo;+ sapagkat sinabi sa inyo ni Jehova, ‘Huwag na kayong babalik pang muli sa daang ito.’ 17 Huwag din siyang magpaparami ng mga asawa para sa kaniyang sarili, upang ang kaniyang puso ay hindi malihis;+ ni magpaparami man siyang lubha ng pilak at ginto para sa kaniyang sarili.+ 18 At mangyayari nga na kapag umupo siya sa trono ng kaniyang kaharian, isusulat niya sa isang aklat para sa kaniyang sarili ang isang kopya ng kautusang ito mula roon sa nasa pangangasiwa ng mga saserdote, na mga Levita.+

19 “At mananatili iyon sa kaniya, at babasahin niya iyon sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay,+ upang matuto siyang matakot kay Jehova na kaniyang Diyos nang sa gayon ay maingatan niya ang lahat ng mga salita ng kautusang ito at ang mga tuntuning ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga iyon;+ 20 upang ang kaniyang puso ay hindi magmataas sa kaniyang mga kapatid+ at upang hindi siya lumihis mula sa utos sa kanan o sa kaliwa,+ upang mapahaba niya ang kaniyang mga araw sa kaniyang kaharian,+ siya at ang kaniyang mga anak sa gitna ng Israel.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share