1 Tesalonica
3 Kaya nga, nang hindi na kami makatiis, minabuti naming maiwan na lamang sa Atenas;+ 2 at isinugo namin si Timoteo,+ ang ating kapatid at ministro ng Diyos sa mabuting balita+ tungkol sa Kristo, upang patatagin kayo at aliwin kayo alang-alang sa inyong pananampalataya, 3 upang walang sinuman ang matangay ng mga kapighatiang ito.+ Sapagkat kayo mismo ang nakaaalam na tayo ay itinalaga sa mismong bagay na ito.+ 4 Sa katunayan pa nga, noong kami ay kasama ninyo, sinasabi na namin sa inyo nang patiuna+ na tayo ay nakatalagang dumanas ng kapighatian,+ gaya rin nga ng nangyari at tulad ng alam ninyo.+ 5 Iyan nga ang dahilan kung bakit, nang hindi na ako makatiis, ako ay nagpasugo upang malaman ang tungkol sa inyong katapatan,+ sapagkat baka sa anumang paraan ay natukso na kayo ng Manunukso,+ at ang aming pagpapagal ay naging walang kabuluhan.+
6 Ngunit kararating lamang ngayon sa amin ni Timoteo mula sa inyo+ at nagbigay sa amin ng mabuting balita tungkol sa inyong katapatan at pag-ibig,+ at na patuloy kayong may mabuting pag-alaala sa amin sa tuwina, na minimithing makita rin kami, kung paano ngang gayundin kami sa inyo.+ 7 Iyan ang dahilan, mga kapatid, kung bakit kami naaliw+ tungkol sa inyo sa lahat ng aming pangangailangan at kapighatian dahil sa katapatan na inyong ipinakikita,+ 8 sapagkat ngayon ay nabubuhay kami kung kayo ay nakatayong matatag sa Panginoon.+ 9 Sapagkat anong pasasalamat ang maibibigay namin sa Diyos may kinalaman sa inyo bilang ganti sa buong kagalakan na aming ipinagsasaya+ dahil sa inyo sa harap ng ating Diyos, 10 habang gabi at araw ay gumagawa kami ng higit pa kaysa di-pangkaraniwang mga pagsusumamo+ upang makita ang inyong mga mukha at upang mapunan ang mga bagay na nagkukulang sa inyong pananampalataya?+
11 Ngayon ay saganang patnubayan nawa ng atin mismong Diyos at Ama at ng ating Panginoong Jesus+ ang aming daan patungo sa inyo. 12 Bukod diyan, pangyarihin nawa ng Panginoon na kayo ay lumago,+ oo, pasaganain kayo, sa pag-ibig+ sa isa’t isa at sa lahat, kung paano ngang gayundin kami sa inyo; 13 upang mapatatag niya ang inyong mga puso, di-mapipintasan+ sa kabanalan sa harap ng ating Diyos at Ama sa pagkanaririto+ ng ating Panginoong Jesus kasama ang lahat ng kaniyang mga banal.+