Tito
2 Subalit ikaw ay magpatuloy sa pagsasalita ng mga bagay na nararapat sa nakapagpapalusog+ na turo. 2 Ang matatandang lalaki+ ay maging katamtaman ang mga pag-uugali, seryoso,+ matino ang pag-iisip, malusog sa pananampalataya,+ sa pag-ibig, sa pagbabata.+ 3 Gayundin ang matatandang babae+ ay maging mapagpitagan sa paggawi, hindi naninirang-puri,+ ni napaaalipin man sa maraming alak, mga guro ng kabutihan; 4 upang mapanauli nila sa katinuan ang mga kabataang babae na ibigin ang kani-kanilang asawa,+ na ibigin ang kanilang mga anak,+ 5 na maging matino ang pag-iisip, malinis,+ mga manggagawa sa tahanan, mabuti, nagpapasakop+ sa kani-kanilang asawa, upang ang salita ng Diyos ay hindi mapagsalitaan nang may pang-aabuso.+
6 Gayundin patuloy mong payuhan ang mga nakababatang lalaki na maging matino ang pag-iisip,+ 7 na sa lahat ng bagay ay ipinakikita mo ang iyong sarili bilang halimbawa ng maiinam na gawa;+ na nagpapakita ng kawalang-kalikuan+ ng iyong turo,+ ng pagkaseryoso, 8 ng mabuting pananalita na hindi mahahatulan;+ upang ang tao na sumasalansang ay mapahiya, na walang anumang buktot na masasabi tungkol sa atin.+ 9 Ang mga alipin+ ay magpasakop sa mga may-ari sa kanila sa lahat ng bagay,+ at lubos silang palugdan, na hindi sumasagot nang palabán,+ 10 hindi nagnanakaw,+ kundi nagpapakita ng lubusan at mabuting pagkamatapat,+ upang kanilang magayakan ang turo ng ating Tagapagligtas,+ ang Diyos, sa lahat ng bagay.
11 Sapagkat ang di-sana-nararapat na kabaitan+ ng Diyos na nagdadala ng kaligtasan+ sa lahat ng uri ng tao+ ay nahayag na,+ 12 na tinuturuan tayo na itakwil ang pagka-di-makadiyos+ at makasanlibutang mga pagnanasa+ at mamuhay na taglay ang katinuan ng pag-iisip at katuwiran at makadiyos na debosyon+ sa gitna ng kasalukuyang sistemang ito ng mga bagay,+ 13 habang hinihintay natin ang maligayang pag-asa+ at maluwalhating+ pagkakahayag ng dakilang Diyos at ng Tagapagligtas natin, si Kristo Jesus, 14 na nagbigay ng kaniyang sarili+ para sa atin upang mailigtas+ niya tayo mula sa bawat uri ng katampalasanan at linisin+ para sa kaniyang sarili ang isang bayan na katangi-tanging kaniya,+ masigasig sa maiinam na gawa.+
15 Magpatuloy ka sa pagsasalita ng mga bagay na ito at sa pagpapayo at pagsaway taglay ang lubos na awtoridad na mag-utos.+ Huwag kang hamakin+ ng sinumang tao.