Hebreo
5 Sapagkat ang bawat mataas na saserdote na kinukuha mula sa mga tao ay inaatasan alang-alang sa mga tao sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos,+ upang siya ay makapaghandog ng mga kaloob at mga hain para sa mga kasalanan.+ 2 Nagagawa niyang makitungo nang mahinahon sa mga walang-alam at sa mga nagkakamali yamang siya rin ay napalilibutan ng kaniyang sariling kahinaan,+ 3 at dahil dito ay kailangan niyang maghandog ukol sa mga kasalanan para sa kaniyang sarili kung paanong para rin sa mga tao.+
4 Gayundin, ang isang tao ay tumatanggap ng karangalang ito, hindi ayon sa kaniyang sariling kagustuhan,+ kundi tangi lamang kung tinawag siya ng Diyos,+ na gaya rin ni Aaron.+ 5 Gayundin naman, hindi niluwalhati ng Kristo ang kaniyang sarili+ sa pagiging mataas na saserdote,+ kundi niluwalhati+ niyaong nagsalita may kinalaman sa kaniya: “Ikaw ang aking anak; ako, ngayon, ako ay naging iyong ama.”+ 6 Gaya rin ng sinasabi niya sa iba pang dako: “Ikaw ay isang saserdote magpakailanman ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec.”+
7 Nang mga araw ng kaniyang laman ay naghandog [si Kristo] ng mga pagsusumamo at ng mga pakiusap+ din sa Isa na may kakayahang magligtas sa kaniya mula sa kamatayan, na may malalakas+ na paghiyaw at mga luha, at malugod siyang pinakinggan dahil sa kaniyang makadiyos na takot.+ 8 Bagaman siya ay Anak, natuto siya ng pagkamasunurin mula sa mga bagay na kaniyang pinagdusahan;+ 9 at pagkatapos na siya ay mapasakdal,+ siya ang nagkaroon ng pananagutan sa walang-hanggang kaligtasan+ ng lahat ng sumusunod sa kaniya,+ 10 sapagkat tiyakang tinawag siya ng Diyos na mataas na saserdote ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec.+
11 May kinalaman sa kaniya ay marami kaming masasabi at mahirap na maipaliwanag, yamang naging mapurol kayo sa inyong pakikinig.+ 12 Sapagkat bagaman dapat nga sanang maging mga guro+ na kayo dahilan sa panahon, kayo ay muling nangangailangan na may magturo sa inyo mula sa pasimula ng mga panimulang bagay+ ng mga sagradong kapahayagan ng Diyos;+ at kayo ay naging gaya ng nangangailangan ng gatas, hindi ng matigas na pagkain.+ 13 Sapagkat ang bawat isa na tumatanggap ng gatas ay walang-kabatiran sa salita ng katuwiran, sapagkat siya ay isang sanggol.+ 14 Ngunit ang matigas na pagkain ay nauukol sa mga taong may-gulang, sa kanila na dahil sa paggamit ay nasanay ang kanilang mga kakayahan sa pang-unawa+ na makilala kapuwa ang tama at ang mali.+