Hukom
5 At nang araw na iyon ay umawit+ si Debora+ na kasama si Barak+ na anak ni Abinoam,+ na sinasabi:
2 “Dahil sa paglulugay ng buhok sa Israel sa pakikipagdigma,
Dahil sa pagkukusang-loob ng bayan,+
Pagpalain ninyo si Jehova.+
4 Jehova, sa pagyaon mo mula sa Seir,+
Sa paghayo mo mula sa bukid ng Edom,+
Ang lupa ay umuga,+ ang langit din naman ay pumatak,+
Ang mga ulap din naman ay nagpatak ng tubig.
6 Nang mga araw ni Samgar+ na anak ni Anat,
Nang mga araw ni Jael,+ sa mga landas ay walang dumaraan,
At ang mga manlalakbay sa mga daan ay naglalakbay sa mga landas na pasikut-sikot.+
7 Ang mga nananahanan sa lantad na lupain ay naglaho, sa Israel ay naglaho sila,+
Hanggang sa ako, si Debora,+ ay bumangon,
Hanggang sa ako ay bumangon bilang isang ina sa Israel.+
8 Pumili sila ng mga bagong diyos.+
Noon nagkaroon ng digmaan sa mga pintuang-daan.+
Ang isang kalasag ay hindi makita, ni ang isang sibat,
Sa apatnapung libo sa Israel.+
9 Ang aking puso ay para sa mga kumandante ng Israel,+
Na mga nagkusang-loob sa gitna ng bayan.+
Pagpalain ninyo si Jehova.+
10 Kayong mga nakasakay sa manilaw-nilaw na pulang mga asnong babae,+
Kayong mga nakaupo sa mararangyang alpombra,
At kayong mga naglalakad sa daan,
Pag-isipan ninyo!+
11 Ang ilan sa mga tinig ng mga tagapamahagi ng tubig sa gitna ng mga dakong igiban ng tubig,+
Doon ay isinalaysay nila ang matuwid na mga gawa ni Jehova,+
Ang matuwid na mga gawa ng kaniyang mga nananahanan sa lantad na lupain sa Israel.
Noon lumusong sa mga pintuang-daan ang bayan ni Jehova.
12 Gumising ka, gumising ka, O Debora;+
Gumising ka, gumising ka, bumigkas ka ng isang awit!+
Tumindig ka, Barak,+ at dalhin mo ang iyong mga bihag, ikaw na anak ni Abinoam!+
13 Noon bumaba sa mga taong mariringal ang mga nakaligtas;
Ang bayan ni Jehova ay bumaba sa akin laban sa mga makapangyarihan.
14 Mula sa Efraim ang kanilang pinanggalingan sa mababang kapatagan,+
Kasama mo, O Benjamin, sa gitna ng iyong mga bayan.
Mula sa Makir+ ay bumaba ang mga kumandante,
At mula sa Zebulon yaong mga humahawak ng kasangkapan ng eskriba.+
15 At ang mga prinsipe sa Isacar+ ay kasama ni Debora,
At kung paano ang Isacar ay gayon si Barak.+
Sa mababang kapatagan ay isinugo siyang naglalakad.+
Sa mga pangkat ni Ruben ay malaki ang mga pagsasaliksik ng puso.+
16 Bakit ka umupo sa pagitan ng dalawang supot ng síya,
Upang makinig sa mga tunog ng pipa para sa mga kawan?+
Para sa mga pangkat ni Ruben ay may malalaking pagsasaliksik ng puso.+
17 Ang Gilead ay nanatili sa kaniyang pananahanan sa kabilang ibayo ng Jordan;+
At ang Dan, bakit siya patuloy na nanahanan nang panahong iyon sa mga barko?+
Ang Aser ay umupong walang ginagawa sa baybay-dagat,
At sa tabi ng kaniyang mga dakong daungan ay nanatili siyang tumatahan.+
19 Ang mga hari ay dumating, sila ay nakipaglaban;
Noon nga ay nakipaglaban ang mga hari ng Canaan+
Sa Taanac+ sa tabi ng tubig ng Megido.+
Wala silang dinalang pakinabang na pilak.+
20 Mula sa langit ay nakipaglaban ang mga bituin,+
Mula sa kanilang mga landas ay nakipaglaban sila kay Sisera.
21 Tinangay sila ng ilog ng Kison,+
Ng ilog ng sinaunang mga araw, ng ilog ng Kison.+
Niyapakan mo ang lakas,+ O kaluluwa ko.
22 Noon dumamba ang mga paa ng mga kabayo+
Dahil sa pagdaluhong at pagdaluhong ng kaniyang mga barakong kabayo.
23 ‘Sumpain+ ninyo ang Meroz,’ ang sabi ng anghel ni Jehova,+
‘Sumpain ninyo nang walang lubay ang mga tumatahan sa kaniya,
Sapagkat hindi sila pumaroon upang tumulong kay Jehova,
Upang tumulong kay Jehova kasama ng mga makapangyarihan.’
24 Si Jael+ na asawa ni Heber na Kenita+ ay lubhang pagpapalain sa mga babae,
Sa mga babae sa tolda ay lubha siyang pagpapalain.+
25 Tubig ang hiningi niya, gatas ang kaniyang ibinigay;
Sa malaking mangkok na pampiging ng mga taong mariringal ay naghain siya ng kurtadong gatas.+
26 Iniunat nga niya ang kaniyang kamay sa pantoldang tulos,
At ang kaniyang kanang kamay sa malyete ng masisipag na manggagawa.+
At pinukpok niya si Sisera, inulos niya nang tagusan ang kaniyang ulo,+
At binutas niya at tinuhog ang kaniyang mga pilipisan.
27 Sa pagitan ng kaniyang mga paa ay bumagsak siya, nabuwal siya, nahandusay siya;
Sa pagitan ng kaniyang mga paa ay bumagsak siya, nabuwal siya;
Kung saan siya bumagsak ay doon siya nabuwal na talunan.+
28 Mula sa bintana ay dumungaw ang isang babae at patuloy na nag-abang sa kaniya,
Ang ina ni Sisera mula sa sala-sala,+
‘Bakit naaantala sa pagdating ang kaniyang karong pandigma?+
Bakit lubhang nagluluwat ang mga yabag ng kaniyang mga karo?’+
29 Ang marurunong sa kaniyang mga maharlikang babae+ ay sasagot sa kaniya,
Oo, siya man ay sasagot sa kaniyang sarili ng kaniya ring mga pananalita,
30 ‘Hindi ba sila dapat makasumpong, hindi ba sila dapat mamahagi ng samsam,+
Isang bahay-bata—dalawang bahay-bata sa bawat matipunong lalaki,+
Samsam na mga tininang bagay para kay Sisera, samsam na mga tininang bagay,
Isang burdadong kasuutan, tininang bagay, dalawang burdadong kasuutan
Para sa mga leeg ng mga lalaking nanamsam?’