7 At nakita ko, akong si Daniel lamang, ang kaanyuan; ngunit kung tungkol sa mga lalaking kasama ko, hindi nila nakita ang kaanyuan.+ Gayunman, isang matinding panginginig ang sumapit sa kanila, anupat tumakas sila upang magtago.
3 At kung magtatago sila sa taluktok ng Carmel, mula roon ay maingat ko silang hahanapin at tiyak na makukuha ko sila.+ At kung magkukubli sila sa pinakasahig ng dagat+ mula sa aking paningin, doon ay uutusan ko ang serpiyente, at kakagatin sila nito.
13 At walang nilalang na hindi hayag sa kaniyang paningin,+ kundi ang lahat ng bagay ay hubad at hayagang nakalantad sa mga mata niya na pagsusulitan natin.+
18 Walang takot sa pag-ibig,+ kundi itinataboy ng sakdal na pag-ibig ang takot,+ sapagkat ang takot ay nagsisilbing pamigil. Tunay nga, siya na nasa ilalim ng takot ay hindi pa napasasakdal sa pag-ibig.+