3 sapagkat pasusumpain kita sa pamamagitan ni Jehova,+ ang Diyos ng langit at ang Diyos ng lupa, na hindi ka kukuha ng asawa para sa aking anak mula sa mga anak na babae ng mga Canaanita na sa gitna nila ay nananahanan ako,+
3 At huwag kang makikipag-alyansa sa kanila ukol sa pag-aasawa. Ang iyong anak na babae ay huwag mong ibibigay sa kaniyang anak na lalaki, at ang kaniyang anak na babae ay huwag mong kukunin para sa iyong anak na lalaki.+
2 mula sa mga bansa na tungkol sa kanila ay sinabi ni Jehova sa mga anak ni Israel: “Huwag kayong makikisama sa kanila,+ at huwag silang makikisama sa inyo; talagang ikikiling nila ang inyong puso na sumunod sa kanilang mga diyos.”+ Sa kanila nga nangunyapit+ si Solomon upang ibigin sila.
39 Ang asawang babae ay nakatali sa buong panahon na buháy ang kaniyang asawa.+ Ngunit kapag natulog na sa kamatayan ang kaniyang asawa, siya ay malaya nang mag-asawa sa kaninumang ibig niya, tangi lamang sa Panginoon.+