Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 37:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 At ang lahat ng kaniyang mga anak na lalaki at ang lahat ng kaniyang mga anak na babae ay tumitindig upang aliwin siya,+ ngunit siya ay tumatangging maaliw at nagsasabi:+ “Sapagkat ako ay bababang nagdadalamhati sa aking anak patungo sa Sheol!” At patuloy siyang tinangisan ng kaniyang ama.

  • Bilang 16:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Ngunit kung ito ay isang bagay na nilalang na lalalangin ni Jehova,+ at ibubuka ng lupa ang bibig nito at lalamunin sila+ at ang lahat ng bagay na pag-aari nila at bababa silang buháy sa Sheol,+ tiyak na makikilala nga ninyo na pinakitunguhan ng mga taong ito si Jehova nang walang galang.”+

  • 1 Hari 2:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At kumilos ka nang ayon sa iyong karunungan,+ at huwag mong tulutan ang kaniyang mga uban na bumabang payapa+ sa Sheol.+

  • Awit 49:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Sila ay nakatalaga sa Sheol+ na gaya ng mga tupa;

      Kamatayan ang magpapastol sa kanila;+

      At ang mga matuwid ay magpupuno sa kanila sa kinaumagahan,+

      At ang kanilang mga anyo ay maaagnas;+

      Ang Sheol sa halip na isang marangal na tahanan ang ukol sa bawat isa.+

  • Awit 89:48
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 48 Sinong matipunong lalaki ang buháy na hindi makakakita ng kamatayan?+

      Makapaglalaan ba siya ng pagtakas para sa kaniyang kaluluwa mula sa kamay ng Sheol?+ Selah.

  • Eclesiastes 9:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ang lahat ng masumpungang gawin ng iyong kamay, gawin mo ng iyong buong kapangyarihan,+ sapagkat walang gawa ni katha man ni kaalaman+ man ni karunungan+ man sa Sheol,+ ang dako na iyong paroroonan.+

  • Oseas 13:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “Mula sa kamay ng Sheol ay tutubusin ko sila;+ mula sa kamatayan ay babawiin ko sila.+ Nasaan ang iyong mga tibo, O Kamatayan?+ Nasaan ang iyong pagiging mapamuksa, O Sheol?+ Ang habag ay makukubli mula sa aking mga mata.+

  • Gawa 2:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 sapagkat hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Hades, ni pahihintulutan mo mang makita ng iyong matapat ang kasiraan.+

  • Apocalipsis 20:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya, at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay+ na nasa kanila, at hinatulan sila nang isa-isa ayon sa kanilang mga gawa.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share