Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 18:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Isang propeta ang ibabangon ko para sa kanila mula sa gitna ng kanilang mga kapatid, na tulad mo;+ at ilalagay ko nga sa kaniyang bibig ang aking mga salita,+ at tiyak na sasalitain niya sa kanila ang lahat ng iuutos ko sa kaniya.+

  • Awit 2:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 Humingi ka sa akin,+ upang maibigay ko ang mga bansa bilang iyong mana+

      At ang mga dulo ng lupa bilang iyong sariling pag-aari.+

  • Isaias 11:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 At mangyayari sa araw na iyon+ na magkakaroon ng ugat ni Jesse+ na tatayo bilang isang hudyat para sa mga bayan.+ Sa kaniya ay babaling ang mga bansa upang mag-usisa,+ at ang kaniyang pahingahang-dako ay magiging maluwalhati.+

  • Mateo 2:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 ‘At ikaw, O Betlehem+ ng lupain ng Juda, ay hindi sa anumang paraan ang pinakawalang-halagang lunsod sa gitna ng mga gobernador ng Juda; sapagkat mula sa iyo ay lalabas ang isa na mamamahala,+ na magpapastol+ sa aking bayan, ang Israel.’ ”

  • Juan 10:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 “At mayroon akong ibang mga tupa,+ na hindi sa kulungang ito;+ ang mga iyon din ay dapat kong dalhin, at makikinig sila sa aking tinig,+ at sila ay magiging isang kawan, isang pastol.+

  • Apocalipsis 7:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko, at, narito! isang malaking pulutong,+ na hindi mabilang ng sinumang tao, mula sa lahat ng mga bansa+ at mga tribo at mga bayan+ at mga wika,+ na nakatayo sa harap ng trono+ at sa harap ng Kordero, na nadaramtan ng mahahabang damit na puti;+ at may mga sanga ng palma+ sa kanilang mga kamay.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share