21 Pagkatapos ay ipinasok niya ang Kaban sa tabernakulo at inilagay niya ang kurtina+ ng pantabing at tinabingan ang kaban ng patotoo,+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
2 At sinabi ni Jehova kay Moises: “Salitain mo kay Aaron na kapatid mo, na huwag siyang pumasok sa tuwina sa dakong banal+ sa loob ng kurtina,+ sa harap ng takip na nasa ibabaw ng Kaban, upang hindi siya mamatay;+ sapagkat sa isang ulap+ ay magpapakita ako sa ibabaw ng takip.+
6 Nang magkagayon ay ipinasok ng mga saserdote ang kaban+ ng tipan ni Jehova sa dako+ nito, sa kaloob-loobang silid ng bahay, sa Kabanal-banalan, sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.+
12 siya ay pumasok, hindi, hindi taglay ang dugo+ ng mga kambing at ng mga guyang toro, kundi taglay ang sarili niyang dugo,+ nang minsanan sa dakong banal at nagtamo ng walang-hanggang katubusan para sa atin.+
24 Sapagkat si Kristo ay pumasok, hindi sa isang dakong banal na ginawa ng mga kamay,+ na isang kopya ng katunayan,+ kundi sa langit mismo,+ upang ngayon ay humarap sa mismong persona ng Diyos para sa atin.+