-
Exodo 30:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 At kapag pinagniningas ni Aaron ang mga lampara sa pagitan ng dalawang gabi, magpapausok siya niyaon. Iyon ay isang insenso na palagiang nasa harap ni Jehova sa buong panahon ng inyong mga salinlahi.
-
-
Levitico 24:3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Sa labas ng kurtina ng Patotoo sa tolda ng kapisanan ay palaging aayusin iyon ni Aaron mula sa gabi hanggang sa umaga sa harap ni Jehova. Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda sa buong panahon ng inyong mga salinlahi.
-
-
2 Cronica 13:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 At nagpapausok sila ng mga handog na sinusunog para kay Jehova uma-umaga at gabi-gabi+ at gayundin ng mabangong insenso;+ at ang mga magkakapatong na tinapay ay nasa ibabaw ng mesa na yari sa dalisay na ginto,+ at naroon ang ginintuang kandelero+ at ang mga lampara nito upang magningas gabi-gabi;+ sapagkat tinutupad namin ang katungkulan+ kay Jehova na aming Diyos, ngunit iniwan ninyo naman siya.+
-