3 “‘Kung ang kaniyang handog ay handog na sinusunog+ mula sa bakahan, isang lalaki, yaong malusog,+ ang ihahandog niya. Sa pasukan ng tolda ng kapisanan ay ihahandog niya iyon nang kusang-loob sa harap ni Jehova.+
5 “‘Pagkatapos ay papatayin ang guyang toro sa harap ni Jehova; at ihaharap ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote,+ ang dugo at iwiwisik ang dugo sa palibot ng altar,+ na nasa pasukan ng tolda ng kapisanan.