Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 7:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 Sapagkat ang dibdib ng handog na ikinakaway+ at ang binti ng sagradong bahagi ay kinukuha ko mula sa mga anak ni Israel mula sa kanilang mga haing pansalu-salo, at ibibigay ko ang mga iyon kay Aaron na saserdote at sa kaniyang mga anak, bilang isang tuntunin hanggang sa panahong walang takda, mula sa mga anak ni Israel.

  • Levitico 10:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At kakainin ninyo ang dibdib ng handog na ikinakaway+ at ang binti ng sagradong bahagi+ sa isang dakong malinis, ikaw at ang iyong mga anak na lalaki at ang iyong mga anak na babae na kasama mo,+ sapagkat ang mga iyon ay ibinigay bilang iyong takdang bahagi at takdang bahagi ng iyong mga anak mula sa mga haing pansalu-salo ng mga anak ni Israel.

  • Bilang 15:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 mangyayari rin na kapag kinain ninyo ang alinmang tinapay mula sa lupain+ ay magbibigay kayo ng abuloy kay Jehova.

  • Bilang 18:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Sapagkat ang ikasampung bahagi ng mga anak ni Israel, na iaabuloy nila kay Jehova bilang isang abuloy, ay ibinibigay ko sa mga Levita bilang mana. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinabi sa kanila, ‘Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magmamay-ari ng isang mana.’”+

  • Deuteronomio 18:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “At ito ang dapat magpatuloy bilang kaukulang karapatan ng mga saserdote mula sa bayan, mula sa mga naghahain ng handog, maging toro o tupa: Ibibigay sa saserdote ang paypay at ang mga panga at ang tiyan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share