-
2 Cronica 2:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 narito, nagtatayo+ ako ng isang bahay para sa pangalan+ ni Jehova na aking Diyos upang pabanalin+ iyon para sa kaniya, upang magsunog ng mabangong insenso+ sa harap niya, na may palagiang magkakapatong na tinapay+ at mga handog na sinusunog sa umaga at sa gabi,+ sa mga sabbath+ at sa mga bagong buwan+ at sa mga kapanahunan ng kapistahan+ ni Jehova na aming Diyos. Hanggang sa panahong walang takda+ ay magiging utos ito sa Israel.
-
-
2 Cronica 13:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 At nagpapausok sila ng mga handog na sinusunog para kay Jehova uma-umaga at gabi-gabi+ at gayundin ng mabangong insenso;+ at ang mga magkakapatong na tinapay ay nasa ibabaw ng mesa na yari sa dalisay na ginto,+ at naroon ang ginintuang kandelero+ at ang mga lampara nito upang magningas gabi-gabi;+ sapagkat tinutupad namin ang katungkulan+ kay Jehova na aming Diyos, ngunit iniwan ninyo naman siya.+
-
-
Daniel 9:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 “At pananatilihin niyang may bisa ang tipan+ para sa marami sa loob ng isang sanlinggo;+ at sa kalahati ng sanlinggo ay patitigilin niya ang hain at ang handog na kaloob.+
“At darating na nasa pakpak ng mga kasuklam-suklam na bagay yaong isa na sanhi ng pagkatiwangwang;+ at hanggang sa paglipol, ang mismong bagay na naipasiya ay mabubuhos din sa isa na nakatiwangwang.”+
-