Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 30:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Sapagkat kapag nanumbalik+ kayo kay Jehova, ang inyong mga kapatid at ang inyong mga anak ay pag-uukulan ng awa+ sa harap niyaong mga humahawak sa kanila bilang bihag, at pahihintulutang bumalik sa lupaing ito;+ sapagkat si Jehova na inyong Diyos ay magandang-loob+ at maawain,+ at hindi niya itatalikod ang mukha mula sa inyo kung manunumbalik kayo sa kaniya.”+

  • Nehemias 9:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Kaya tumanggi silang makinig,+ at hindi nila inalaala+ ang iyong mga kamangha-manghang pagkilos na iyong isinagawa sa kanila, kundi pinatigas nila ang kanilang leeg+ at nag-atas sila ng isang ulo+ upang bumalik sa kanilang pagkaalipin sa Ehipto. Ngunit ikaw ay isang Diyos ng mga pagpapatawad,+ magandang-loob+ at maawain,+ mabagal sa pagkagalit+ at sagana+ sa maibiging-kabaitan, at hindi mo sila iniwan.+

  • Joel 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At hapakin ninyo ang inyong mga puso,+ at hindi ang inyong mga kasuutan;+ at manumbalik kayo kay Jehova na inyong Diyos, sapagkat siya ay magandang-loob at maawain,+ mabagal sa pagkagalit+ at sagana sa maibiging-kabaitan,+ at tiyak na ikalulungkot niya ang kapahamakan.+

  • Lucas 6:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 Patuloy na maging maawain, kung paanong ang inyong Ama ay maawain.+

  • Hebreo 8:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Sapagkat magiging maawain ako sa kanilang mga likong gawa, at sa anumang paraan ay hindi ko na aalalahanin pa ang kanilang mga kasalanan.’ ”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share