39 “At hahabihin mo nang may disenyong pari-parisukat ang mahabang damit na yari sa mainam na lino at gagawa ka ng isang turbante na yari sa mainam na lino,+ at gagawa ka ng isang paha,+ na gawa ng isang manghahabi.
7 Pagkatapos niyaon ay isinuot niya sa kaniya ang mahabang damit+ at ibinigkis sa kaniya ang paha+ at dinamtan siya ng damit na walang manggas+ at inilagay sa kaniya ang epod+ at ibinigkis sa kaniya ang pamigkis+ ng epod at itinali iyon nang hapít sa kaniya sa pamamagitan niyaon.
13 Pagkatapos ay inilapit ni Moises ang mga anak ni Aaron+ at dinamtan sila ng mahahabang damit at binigkisan sila ng mga paha+ at ibinalot sa kanila ang kagayakan sa ulo,+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.
8 Oo, ipinagkaloob sa kaniya na magayakan ng maningning, malinis, mainam na lino, sapagkat ang mainam na lino ay kumakatawan sa matuwid na mga gawa ng mga banal.”+