-
Genesis 12:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Nang maglaon ay lumipat siya mula roon patungo sa bulubunduking pook sa dakong silangan ng Bethel+ at itinayo ang kaniyang tolda na nasa kanluran ang Bethel at nasa silangan ang Ai.+ Nang magkagayon ay nagtayo siya roon ng isang altar para kay Jehova+ at nagsimulang tumawag sa pangalan ni Jehova.+
-
-
Genesis 28:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Nang magkagayon ay nagising si Jacob mula sa kaniyang pagkakatulog at nagsabi: “Tunay na si Jehova ay nasa dakong ito at hindi ko ito nalalaman.”
-
-
2 Samuel 7:23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 At anong iisang bansa sa lupa ang katulad ng iyong bayang Israel,+ na tinubos ng Diyos para sa kaniyang sarili bilang isang bayan+ at upang magtalaga sa kaniyang sarili ng isang pangalan+ at upang gumawa para sa kanila ng dakila at kakila-kilabot na mga bagay+—upang palayasin dahil sa iyong bayan, na tinubos mo+ para sa iyo mula sa Ehipto, ang mga bansa at ang kanilang mga diyos?
-