Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 8:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 At sa araw na iyon ay talagang gagawin kong naiiba ang lupain ng Gosen na kinatatayuan ng aking bayan, anupat doon ay hindi magkakaroon ng langaw na nangangagat;+ upang makilala mo na ako ay si Jehova sa gitna ng lupa.+

  • Exodo 10:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Hindi nila nakikita ang isa’t isa, at walang sinuman sa kanila ang tumindig mula sa kani-kaniyang dako nang tatlong araw; ngunit sa lahat ng mga anak ni Israel ay may liwanag sa kanilang mga tahanan.+

  • Exodo 11:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ngunit laban sa sinumang anak ni Israel ay walang asong may-pananabik na maggagalaw ng kaniyang dila, mula sa tao hanggang sa hayop;+ upang malaman ninyo na si Jehova ay makagagawa ng pagkakaiba sa pagitan ng mga Ehipsiyo at ng mga anak ni Israel.’+

  • Exodo 12:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At ang dugo ay magsisilbing tanda sa inyo sa mga bahay na kinaroroonan ninyo; at makikita ko ang dugo at lalampasan ko kayo,+ at ang salot ay hindi darating sa inyo upang manlipol kapag nanakit ako sa lupain ng Ehipto.

  • Isaias 65:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Narito! Ang aking mga lingkod ay kakain,+ ngunit kayo ay magugutom.+ Narito! Ang aking mga lingkod ay iinom,+ ngunit kayo ay mauuhaw.+ Narito! Ang aking mga lingkod ay magsasaya,+ ngunit kayo ay mapapahiya.+

  • Malakias 3:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 At tiyak na makikita ninyong muli ang pagkakaiba sa pagitan ng matuwid at ng balakyot,+ sa pagitan ng isa na naglilingkod sa Diyos at ng isa na hindi naglilingkod sa kaniya.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share