26 “‘Tanging ang panganay sa mga hayop, na ipanganganak bilang panganay para kay Jehova,+ walang sinumang tao ang magpapabanal nito. Maging toro o tupa, ito ay kay Jehova.+
13 Sapagkat ang lahat ng panganay ay akin.+ Nang araw na saktan ko ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto+ ay pinabanal ko sa akin ang lahat ng panganay sa Israel mula sa tao hanggang sa hayop.+ Sila ay magiging akin. Ako ay si Jehova.”
15 “Lahat ng nagbubukas ng bahay-bata,+ mula sa bawat uri ng laman, na ihahandog nila kay Jehova, sa tao at sa hayop, ay magiging iyo. Gayunman, walang pagsalang tutubusin mo ang panganay sa tao;+ at ang panganay sa maruming hayop ay tutubusin mo.+
19 “Ang bawat panganay na lalaki na ipanganganak sa iyong bakahan at sa iyong kawan ay dapat mong pabanalin kay Jehova na iyong Diyos.+ Huwag mong gagamitin sa anumang trabaho ang panganay ng iyong toro, ni gugupitan man ang panganay ng iyong kawan.+