5 At ang bayan ay patuloy na nagsasalita laban sa Diyos+ at kay Moises:+ “Bakit ninyo kami iniahon mula sa Ehipto upang mamatay sa ilang?+ Sapagkat walang tinapay at walang tubig,+ at kinamumuhian na ng aming kaluluwa ang kasuklam-suklam na tinapay.”+
16 na nagpakain sa iyo ng manna+ sa ilang, na hindi nakilala ng iyong mga ama, sa layuning pagpakumbabain ka+ at sa layuning ilagay ka sa pagsubok upang ikaw ay mapabuti sa iyong wakas;+
12 Sa gayon ay naglikat ang manna nang sumunod na araw nang makakain na sila ng ani ng lupain, at hindi na nagkaroon pa ng manna para sa mga anak ni Israel,+ at nagsimula silang kumain ng bunga ng lupain ng Canaan nang taóng iyon.+
58 Ito ang tinapay na bumaba mula sa langit. Hindi ito gaya nang kumain ang inyong mga ninuno at gayunma’y namatay. Siya na kumakain sa tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.”+
4 Naroon ang isang ginintuang insensaryo+ at ang kaban ng tipan+ na may kalupkop na ginto sa palibot,+ na kinalalagyan ng ginintuang banga na may manna+ at ng tungkod ni Aaron na nag-usbong+ at ng mga tapyas+ ng tipan;