-
Deuteronomio 7:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 “Kapag sa wakas ay dinadala ka na ni Jehova na iyong Diyos sa lupain na iyong paroroonan upang ariin,+ aalisin din niya ang mataong mga bansa mula sa harap mo,+ ang mga Hiteo+ at ang mga Girgasita+ at ang mga Amorita+ at ang mga Canaanita+ at ang mga Perizita+ at ang mga Hivita+ at ang mga Jebusita,+ pitong bansa na higit na matao at makapangyarihan kaysa sa iyo.+
-
-
Josue 3:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Pagkatapos ay sinabi ni Josue: “Sa ganito ninyo malalaman na isang Diyos na buháy ang nasa gitna ninyo,+ at na walang pagsalang palalayasin niya mula sa harap ninyo ang mga Canaanita at ang mga Hiteo at ang mga Hivita at ang mga Perizita at ang mga Girgasita at ang mga Amorita at ang mga Jebusita.+
-
-
Nehemias 9:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 At nasumpungan mong tapat ang kaniyang puso sa harap mo;+ kaya itinatag ang tipan+ sa kaniya na ibibigay sa kaniya ang lupain ng mga Canaanita, ng mga Hiteo, ng mga Amorita at ng mga Perizita at ng mga Jebusita at ng mga Girgasita, na ibibigay iyon sa kaniyang binhi;+ at tinupad mo ang iyong mga salita, sapagkat ikaw ay matuwid.+
-