Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 1:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na sinusunog, at ito ay malugod na tatanggapin+ para sa kaniya upang magbayad-sala para sa kaniya.+

  • Levitico 4:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 At pauusukin niya ang lahat ng taba nito sa ibabaw ng altar tulad ng taba ng haing pansalu-salo;+ at ang saserdote ay gagawa ng pagbabayad-sala para sa kaniya dahil sa kaniyang kasalanan,+ at sa gayon ay patatawarin siya.

  • Levitico 4:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 At aalisin niya ang lahat ng taba nito,+ kung paanong inaalis ang taba mula sa haing pansalu-salo;+ at pauusukin iyon ng saserdote sa ibabaw ng altar bilang nakagiginhawang amoy para kay Jehova;+ at ang saserdote ay gagawa ng pagbabayad-sala para sa kaniya, at sa gayon ay patatawarin siya.+

  • Levitico 6:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At ang saserdote ay gagawa ng pagbabayad-sala+ para sa kaniya sa harap ni Jehova, at sa gayon ay patatawarin siya may kinalaman sa alinman sa lahat ng bagay na magagawa niya na nagbubunga ng pagkakasala sa pamamagitan niyaon.”

  • Levitico 16:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Sapagkat sa araw na ito ay gagawin ang pagbabayad-sala+ para sa inyo upang ihayag kayong malinis. Kayo ay magiging malinis mula sa lahat ng inyong mga kasalanan sa harap ni Jehova.+

  • Bilang 15:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 At ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaluluwa na nakagawa ng pagkakamali dahil sa isang kasalanang di-sinasadya sa harap ni Jehova, upang magbayad-sala para roon, at iyon ay ipatatawad sa kaniya.+

  • Colosas 1:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 na sa pamamagitan niya ay taglay natin ang ating paglaya sa pamamagitan ng pantubos, ang kapatawaran ng ating mga kasalanan.+

  • 1 Juan 2:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 At siya ay pampalubag-loob+ na hain+ para sa ating mga kasalanan,+ gayunma’y hindi lamang para sa atin+ kundi para rin naman sa buong sanlibutan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share