-
Levitico 5:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 “‘At kung hindi niya abot-kaya+ ang dalawang batu-bato o ang dalawang inakáy na kalapati, kung gayon ay dadalhin niya bilang kaniyang handog dahil sa kasalanan na nagawa niya ang ikasampu ng isang epa+ ng mainam na harina bilang handog ukol sa kasalanan. Hindi niya ito lalagyan ng langis+ at hindi niya ito lalagyan ng olibano, sapagkat ito ay handog ukol sa kasalanan.+
-
-
Bilang 5:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 kung gayon ay dadalhin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa saserdote+ at dadalhin niyang kasama nito ang handog nito, ang ikasampu ng isang epa ng harinang sebada. Hindi niya ito bubuhusan ng langis ni lalagyan man ito ng olibano,+ sapagkat ito ay handog na mga butil ukol sa paninibugho, isang pang-alaalang handog na mga butil na nagpapaalaala ng kamalian.
-