13 At ang saserdote ay gagawa ng pagbabayad-sala+ para sa kaniya dahil sa kaniyang kasalanan na nagawa niya, alinman sa mga kasalanang ito, at sa gayon ay patatawarin siya; at iyon ay magiging sa saserdote+ gaya ng handog na mga butil.’”
16 At ang matitira roon ay kakainin ni Aaron at ng kaniyang mga anak.+ Iyon ay kakainin bilang mga tinapay na walang pampaalsa+ sa isang dakong banal. Kakainin nila iyon sa looban ng tolda ng kapisanan.
29 At kinuha ni Moises ang dibdib+ at ikinaway iyon bilang handog na ikinakaway sa harap ni Jehova.+ Mula sa barakong tupa ng pagtatalaga, iyon ang naging takdang bahagi+ ni Moises, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.