16 Gayundin, ang kapistahan ng pag-aani ng mga unang hinog na bunga+ ng iyong mga pagpapagal, niyaong inihasik mo sa bukid;+ at ang kapistahan ng pagtitipon ng ani sa pagtatapos ng taon, kapag tinitipon mo ang iyong mga pinagpagalan mula sa bukid.+
22 “At idaraos mo ang iyong kapistahan ng mga sanlinggo taglay ang mga unang hinog na bunga ng pag-aani ng trigo,+ at ang kapistahan ng pagtitipon ng ani sa pagpihit ng taon.+
26 “‘At sa araw ng mga unang hinog na bunga,+ kapag naghandog kayo ng bagong handog na mga butil para kay Jehova, sa inyong piging ng mga sanlinggo+ ay magdaraos kayo ng isang banal na kombensiyon. Huwag kayong gagawa ng anumang uri ng mabigat na gawain.+