-
Levitico 10:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Pagkatapos ay sinabi ni Moises kay Aaron at kina Eleazar at Itamar na iba pa niyang mga anak: “Huwag ninyong pabayaang hindi nakaayos ang inyong mga ulo,+ at huwag ninyong pupunitin ang inyong mga kasuutan, upang hindi kayo mamatay at upang hindi siya magalit laban sa buong kapulungan;+ kundi ang inyong mga kapatid sa buong sambahayan ng Israel ang tatangis dahil sa pagsunog, na pinaliyab ni Jehova.
-
-
Levitico 21:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 “‘At kung tungkol sa mataas na saserdote mula sa kaniyang mga kapatid na ang ulo ay binuhusan ng pamahid na langis+ at ang kamay ay pinuspos ng kapangyarihan upang ibihis ang mga kasuutan,+ huwag niyang pababayaang hindi nakaayos ang kaniyang ulo,+ at huwag niyang pupunitin ang kaniyang mga kasuutan.+
-