Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 29:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At kukunin mo ang lahat ng taba+ na bumabalot sa mga bituka,+ at ang lamad sa ibabaw ng atay,+ at ang dalawang bato at ang taba na nasa ibabaw ng mga iyon, at pauusukin mo ang mga iyon sa ibabaw ng altar.+

  • Levitico 7:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 “Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sinasabi, ‘Huwag kayong kakain ng anumang taba+ ng toro o ng batang barakong tupa o ng kambing.

  • Levitico 7:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Dadalhin ng kaniyang mga kamay bilang mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy ang taba+ na nasa dibdib. Dadalhin niya iyon kasama ng dibdib upang ikaway iyon bilang handog na ikinakaway+ sa harap ni Jehova.

  • 1 Hari 8:64
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 64 Nang araw na iyon ay kinailangan ng hari na pabanalin ang gitna ng loobang nasa harap ng bahay ni Jehova,+ sapagkat doon niya kinailangang iharap ang haing sinusunog at ang handog na mga butil at ang matatabang piraso ng mga haing pansalu-salo; sapagkat ang altar na tanso+ na nasa harap ni Jehova ay napakaliit upang magkasya ang haing sinusunog at ang handog na mga butil at ang matatabang+ piraso ng mga haing pansalu-salo.

  • Ezekiel 44:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 “ ‘At kung tungkol sa mga Levitikong saserdote,+ ang mga anak ni Zadok,+ na nag-asikaso ng katungkulan sa aking santuwaryo nang ang mga anak ni Israel ay magpakaligaw mula sa akin,+ sila mismo ang lalapit sa akin upang maglingkod sa akin, at tatayo sila sa harap ko+ upang maghandog sa akin ng taba+ at ng dugo,’+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share